chapter 4

8.2K 198 4
                                    

(Drake's POV)

"pano yan drake, mukhang pinag palit kana ni kate." Iiling iling pa si pat habang natatawa. I don't really know if he's sorry for me or he just simply pissing me off.

"Shut up pat." I snapped at him before glancing to where my ex girlfriend is. Nasa di kalayuan yung ex ko na may kasamang lalake. Maybe her new boyfriend? Fvck. Bat parang ang bilis lang niya na ipag palit ako? It's only been two months since we broke up. Ako tong lalake ang mukhang hindi pa nakaka move on.

"Just look for someone. Hindi yung hanggang ngayon hinihintay mo padin siya na bumalik sayo. Come on man? Your drake. kahit sino magkakagusto sayo.

"Yea right." I rolled my eyes at him remembering the last time they asked me to court someone.

"Except pala kay pyper." He chuckled.

"Just shut up pat." I said sternly.

"Fine, fine." Napa iling ulit siya. "Diyan ka na nga. Bahala ka diyan mamuti ang mata kakatingin sa ex mo." Tumayo na si pat at umalis.

Naiwan lang ako na pinag mamasdan padin si kate sa di kalayuan. She never even glance in my way. I really want to punch the guy she's with. Naka alis na si kate ay hindi padin ako umaalis sa pwesto ko.

Thinking to myself, hey this isn't easy.

Teka parang kanta yun ah? Fvck.

Napailing na lang ako. Maybe pat is right. I need to move on from her. Kailangan makita din niyang naka move on nadin ako. Marami namang babae diyan. But I don't want to be in a commitment yet. Kung kukuha ako ng babaeng may gusto sakin I'm pretty sure mahihirapan ako kumawala sa relationship na papasukin. Maybe I just need some companion. But in these days, girls wants more than just a companion. Hayy. ang hirap maging pogi. Hehe

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa kakaisip sa pwedeng gawin para lang mawala sa systema ko si kate. medyo kakaunti nalang din ang mga tao at madilim na dahil uwian na ng mga estudyante.

Paalis na ako ng makasalubong ko ang isang guard na tumatakbo. mukhang may problema ata.

"Hey, is there a problem?" Tanong ko. Huminto naman yung guard at tumingin sakin. Dad is the owner of the school at dahil nga anak niya ako ay nakekealam nadin ako sa pamamalakad ng school.

"Ah, ser. May nahuli daw sa lab na magnanakaw ng mga pyesa." Kakamot kamot pa si manong guard kahit wala namang buhok.

"What? Saan niyo dinala?" Pangatlo na ata may nanloob dito sa school. And they always get what they want. Ngayon lang may nahuli. Maybe I should tell the board to tighten the security.

"Nandun sa may opisina ser. Isa lang nahuli. Nakatakas yung mga kasama." Paliwanag pa niya.

"Make sure to check the whole area. Baka hindi pa nakaka alis yung mga kasama. Ako nang pupunta dun." utos ko. Tumango agad siya at umalis. Dumiretso na ako dun sa opisina ng mga guard.

Before I can open the door I heard someone shouting.

"TANG NA NAMAN MGA KUYA! PAKAWALAN NIYO NA AKO!"

What the heck is a girl doing inside?

***

(Anna's POV)

Bwisit talaga. Ang sarap sapakin ng mga hinayupak na ito. Ayaw talaga ako pakawalan kahit anong pagmamakaawa ko. tinali pa talaga ako sa upuan. Tang na! di ako pwedeng makulong.

"TANG NA NAMAN MGA KUYA! PAKAWALAN NIYO NA AKO!" Sigaw ko. pero tinignan lang ako ng dalawang lalake.

"Makaka alis kalang diyan pag dumating na ang mga pulis."

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now