chapter 15

7.3K 194 11
                                    

(Anna's POV)

Sabi ni bossing may event daw yung school nila. Malay ko ba kung ano ang event. Yung event ata ay pinasosyal na piyesta. Dami kasing kainan dito at kung ano-anong palaro ngayon sa school nila.

"Bossing may sarili palang pyesta yung school niyo? taray."

"Anna, hindi to pyesta. University days namin kaya may ganitong events."

"Pyesta, unibersite days. parehas lang naman. Psh."

Napa-iling nalang siya at inakbayan ako habang nag-lalakad kami. Hindi ko tuloy maiwasang maasiwa. si bossing talaga simpleng tsansing. pustahan tayo may gusto na sa akin to. hehe.

"Drake andito ka na pala. Kailangan ka mamaya para sa ribbon cutting para sa opening ng program." Sabi ng babae na lumapit sa amin. Pansin ko din na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang baba. tinaasan pa ako ng kilay. Tang'ina neto ah.

"Sure...mamamasyal muna kami ng girlfriend ko." Paalam ni drake dito.

Tumalim naman yung tingin ng babae sa akin kaya bago kami umalis ay binelatan ko siya. Haha. Ako ang gerlplend mamatay siya sa inggit.

"Bossing, kulang nalang saksakin ako ng mga babae dito 'grabe kung maka-tingin."

Natawa naman siya. "Inggit lang mga yon sayo. gwapo ba naman kasama mo."

"Bossing kapit ka." Seryosong sabi ko.

"Hah?"

"Lakas ng hangin eh, baka tangayin ka."

"Haha. Bakit? Totoo namang gwapo ako ah."

"Bossing ang lakas talaga ng hangin." Biro ko. Gwapo naman talaga si bossing ayoko lang palakihin ang ulo.

Nang-gigigil na kinurot niya lang ang pobre kong ilong. "Gusto mong kumaen?"

"Kala ko bossing hindi mo itatanong yan.tara doon may nakita akong mukhang masarap." Hinila ko na siya papunta sa nadaanan namin kanina na nagtitinda ng pagkaen.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkaen ng may mga lumapit na estudyante sa amin.

"Hey drake...sorry napag utusan lang kami." May kinabit ang isang estudyante na posas sa kanya.

"Hey! Wait... anna!" Tawag sa akin ni bossing ng hilain siya ng mga estudyante.

"Bossing! Bayad na ba tong mga kinaen natin?"

"What?" Nakakunot yung noo niya. "Hindi mo ba ako tutulungan?"

"Kaya mo na yan... hehe. salamat sa pagkaen!" kumaway pa ako ng nakalayo na siya.

"Ate hindi mo ba pipigilan sila? Taga kissing booth pa naman mga yon. Boyfriend mo si drake diba?" sabi ni ate na nagtitinda sa kinakainan ko.

"Oh bakit anong meron doon?" Tanong ko habang ngumunguya.

Napakamot siya ng ulo. "Ok lang ba sayo na may hahalik sa boyfriend mo?"

Kay bossing ko may hahalik? Tinignan ko yung babae. "Hah? Sigurado ka ba diyan?"

"Ganun naman talaga sa kissing booth. Puntahan mo na ate."

"Saan ba yun?"

"Malapit sa gym."

Agad kong hinanap si bossing. Malay ko bang may hahalik sa kanya kaya siya kinuha. Tsaka bat naman siya magpapa halik? iba talaga trip ng mga estudyante dito.

Basta hindi ako makakapayag na may makaka-halik sa kanya!

Akala ko ay mahihirapan akong hanapin kung nasaan si bossing pero agad ko siyang nakita dahil pinagkakaguluhan siya ng tao lalo na ng mga babae.

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now