chapter 5

7.9K 212 19
                                    


"Wake up!"

Napaungol ako nang may tumapik sa pisngi ko. Tang na! Ang sarap ng tulog ko eh.

"Gising!"

"P@tang ina naman! natutulog yung tao eh!" Sigaw ko at napabangon sa malambot na kama. Teka! malambot? Nanlaki yung mata ko ng mapansin na wala ako sa bahay at unang napansin ko ay ang lalake sa harapan ko na nakaupo sa kama kung nasaan ako. Ayy lintek! Nasa ibang lugar pala ako at kinidnap ako nitong lalaking ito. Di ko ata namalayan nakatulog ako kanina ng mahiga ako sa kama.

"Buti naman at gising kana. You eat first." Tinuro niya sakin yung pagkaen na nakalapag sa lamesa sa tabi ng kama.

"Bossing hindi mo pa ba ako papakawalan?"

"Kapag pinakawalan kita I'm sure gagawa ka ulit ng kalokohan. Nasan ang mga kasama mo sa pagnanakaw?" Tinignan niya ako ng maiigi at nakaramdam ako ng pagkailang. Pero kagaya ng napag kasunduan; walang magtuturo.

"Wala akong kasama."

"Liar." Napailing siya. "Hanggat hindi ka nagsasabi ng totoo, hindi kita papakawalan."

Tang ina. Kung hindi niya ako papakawalan paano ang mga kapatid ko?

"Bossing naman parang awa mo na, di na ako uulit." tumayo ako at agad na lumuhod sa harap niya. "Bossing, promise. gipit lang talaga ako at kailangan ko ng pera kaya ko nagawa iyon."

"Yan naman lagi ang sinasabi niyo. Ang daming pwedeng ibang paraan diyan na hindi masama pero mas gusto niyo ang madaliang kita."

"Hoy! Akala mo ba madaling magnakaw? hindi kaya!" Tinignan niya lalo ako ng masama. "Jowk lang bossing. Mali na ako."

"Tumayo ka nga diyan! Kainin mo na yung pagkaen."

Tumayo naman ako at dumiretso dun sa harap ng lamesa. Uyy taray. mukhang masarap. "Bossing, pagkatapos nito papakawalan mo na ako?"

"Hindi." Tumayo agad siya at lumabas na ng kwarto.

G@gong yun. ano kayang balak nun? ikulong ako dito habang buhay? kainis. teka kakaen muna ako. inumpisahan ko na ang pagkaen ng maalala ko ang mga kapatid ko. Ugh. pano sila ngayon niyan? Tsk. Paano kung wala silang makaen ngayong gabi?

Pero madiskartem maman si anthony at alex tiyak na magagawan nila ng paraan. Kaya dapat makaalis na ako dito agad agad kundi magugutom ang mga kapatid ko.

***

"BOSSING!" sigaw ko sabay katok sa pintuan. "BOSSING! YUHUU!"

Mga ilang minuto ba bago bumukas yung pinto. Aba si bossing bagong ligo.

"Tapos na po ako." Kung magpapakabait ako baka sakaling pakawalan na ako ni bossing drake.

"MANANG!" sigaw niya at mayamaya ay dumating na yung kasambahay niya. aba astig! isang tawag lang andito agad. "Paki ligpit po." Tinuro niya yung pinagkainan ko na simot na simot. Gutom eh.

Naka alis na si manang nang balingan niya ako. pumasok siya ng tuluyan sa kwarto bago isinara iyon at naupo sa may upuan katapat ng kama. naupo ako sa kama.

"Now, I wanna ask you something."

"Bossing tagalog." Mamaya paulanan ako ng ingles nito. mahirap na.

"Tsk, may itatanong ako at gusto ko sagutin mo ako ng maayos."

"Depende sa tanong yan."

"Gusto mo bang maka alis dito o hindi?"

"Syempre bossing gusto." nag thumbs up pa ako. "Game."

"Ok first, ilang taon kana?"

Nagtaka naman ako sa tanong niya pero para makawala na ako dito ay sinagot ko naman. "Labing walo."

the thief who stole my heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon