chapter 20

6.9K 154 0
                                    

(Anna's POV)

Yung buhay na akala kong unti-unting mababago 'mukhang babalik na naman sa dati.

"Ate, hindi ka ba pupunta kay kuya pogi ngayon?" tanong ni anthony. Tatlong araw na kasi simula nang umalis--mali, pinalayas pala sa bahay ni drake.

Nagtatanong na nga ang mga kapatid ko kung bakit hindi ako umaalis ng bahay.

"Hindi na... may iba akong pupuntahan, teka nasan nga pala si nanay?" pag-iiba ko ng usapan.

"Nandoon kay aling isme, sinama si ash... maglalaro ata ng bingo."

Tang'inang buhay talaga oh. Eto na nga kami at hirap na ay wala pang inatupag ang nanay namin kundi puro sugal.

"Ikaw ba anthony may ideya kung saan kumukuha ng pera si nanay pangsugal? napapansin ko lang na mas madalas ngayon ang pagsusugal niya kumpara noon."

Napakamot ng ulo si anthony at napayuko na parang may tinatago. Alam ko na ang galaw ng babaitang ito kaya sigurado ako kung may sinisekreto ito sa akin o wala.

"Hoy anthony! sumagot ka."

"A-ate pasensya kana... si nanay kasi eh nung malaman niyang nasa akin ang perang binibigay mo para sa gastusin ay humingi siya ng pera---"

"ANO?!" napasigaw ako kaya napatingin na sa amin ang mga kapatid ko na abala sa paglalaro. Wala si alex, andrea at anne dahil nasa school ang mga ito. Si anthony naman ay walang pasok kaya siya nagbabantay sa mga bata.

"Sabi kasi ni nanay, babalik niya naman daw kapag nanalo siya."

"P*tang ina." mahinang mura ko. "Eh kailan ba nanalo yun? Anthon naman! Alam mo namang oras na bigyan mo yun eh aabusuhin ka na niya! tsk. Magkano pa ang nasa iyo?"

Napanguso siya. "Higit sa apat na libo nalang ate."

Napakamot ako ng ulo. "Hala, akin na... kailangan natin magtipid ngayon dahil wala na akong trabaho... kailangan kong makahanap ng bagong raket."

"Hindi kana nagtatrabaho kay kuya pogi?"

"Hindi na." tipid na sagot ko. "Ikaw munang bahala dito sa bahay. Kunin mo din si ash kay nanay baka mapabayaan yun doon."

Umalis na ako at dumiretso sa kakilala ko na pinagkukuhaan ko ng mga raket dati. Siya kasi nagsusupply ng mga itinitinda kong dvd.

"Boss, kailangan ko ng raket ngayon eh."

"Hay nako anna, may pumalit na sayo ngayon... wala akong maibibigay sayo. Kung bibigyan kita aba eh malulugi ako dahil madami kayong sasahuran ko."

Umalis ako sa lugar na iyon na walang napala. Pahirapan talaga ang paghahanap ng trabaho. maski pagkakatulong nga ay hinahanapan kapa ng papeles na kung ano-ano. Pinakamadaling trabaho na may malaking sahod na nakuha ko ata ay ang trabahong binigay ni drake.

Tsk. Tang'na lang, naalala ko naman siya.

Sa totoo lang ngayon ko lang napagtanto kung ano talaga ang halaga niya sa akin ngayon. Sa tanang buhay ko ba naman ay hindi ako nakaramdam ng p*tang inang kilig kilig na yan. Malay ko bang may gusto na pala ako sa kanya. Ngayon ko lang nalaman kung kailan huli na, kung kailan wala na.

Pinagsasawalang bahala ko nalang kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. Mahalaga pa ba iyon? Ang mahalaga ngayon ay kung papaano ko bubuhayin ang mga kapatid ko.

Madali lang naman bumalik sa dating gawain ko na pandurukot. Pero tinanggal ko na sa sarili ko ang gawain na iyon simula ng makilala ko si drake dahil ayaw kong madismaya siya sa akin. Pero tignan mo nga naman, wala na nga akong ginagawa magnanakaw padin ang tingin niya sa akin.

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now