Chapter 2

11K 220 15
                                    

(Anna's POV)

Halos gabi na ng makauwi ako. Naka jockpot ulit ako dahil may nanakawan ulit ako kahit dalawang libo lang ang laman ng pitaka. Pwedeng pwede na yun.

"Ate!" Nagmamadaling lumapit sakin yung kapatid kong si alden ng makita ako sa labas ng bahay palang. Agad siyang yumakap sakin napansin niya atang may dala akong pagkaen kaya nagtata talon sa tuwa.

"Hoy, ang baho mo. Nasan yung kambal mong si alfred?" Ginulo ko yung buhok niya kaya napa bitaw siya sakin.

"Andun nakikinuod ng t.v kay mang gardo." Sumunod na siyang pumasok sakin at sinalubong nadin ako ng iba ko pang mga kapatid.

"ATE!" Sabay sabay pang sigaw nila. Jusko parang ngayon lang ako nakita ng mga ito. agad silang nagsilapitan sakin nang ilapag ko yung dala kong pagkaen sa maliit na lamesa. Hanep talaga itong bahay namin. pagpasok mo, kusina agad.

"Oh hala. Alex tawagin mo na si alfred dun kanila mang gardo. Asan si nanay?" Tanong ko kay andrea.

"Nasa majungan ate."

"Ay nako! Tawagin mo nadin alex!" Sigaw ko kay alex nang palabas na ito sa bahay. "Hindi na talaga natuto yang matandang yan! Tsk. Nakapagsaing na ba kayo?"

"Oo ate." Sagot ni andrea at kinarga si andy na dalawang taon palang.

"Buti naman. Teka magbibihis lang ako. handa niyo na yung kainan. Anne, tulungan mo si ate mo."

Tumango lang siya. Yan yung gusto ko sa mga kapatid ko eh, masunurin. Kung nagtataka kayo ilan ba ang kapati ko. Nasa siyam lang naman. bale sampo kaming magkakapatid. Iba-iba ang tatay. Maaga kasing lumandi yung nanay ko, palibhasa maganda!

Ako yung tatay ko sabi ni nanay may lahing kano daw kaya hindi na ako magtataka kung ganito ako kaganda. hahaha. Chena lang. Maputi naman ako, matangos din ang ilong. napabayaan lang ang itsura ko kase nga sa hirap ng buhay. jusko uunahin ko pa ba ang pagpapaganda kesa pagkaen? Hindi na nga ako nakapag aral kahit na labing walo na ako ay di padin ako marunong magbasa at magsulat. Ok lang yan maganda naman ako. haha

Yung sumunod sakin si anthony. 14 na siya. siya at si alex at andrea, magkakapatid sila sa ama. Pilipino naman yung tatay nila. Yun lang ata ang tumagal kay mama eh. Si alex 13 si andrea 12. oh diba? Ang galing ng nanay namin mag timing. tapos nagkahiwalay din sila ng ka lib in niya nun. Tapos nag trabaho sa club. ayan tuloy may nakabuntis na hapon. Naging anak nila si anne, 11 na si anne ngayon.

Nahirapan din si mama mag alaga samin nun kaya tumigil siya magtrabaho sa club. pero nung halos wala na kaming makaen eh bumalik ulit siya. Ang tanga lang niya kasi hindi ata uso condom nun kaya nabuntis ulit ng koreano. Ang malalapa, kambal ang iniluwal. Si alden at alfred nga ang naging anak niya dun. Limang taon na yung dalawa. tapos ang malala naulit pa. Nainlab ata si mama dun sa koreano kaya ayun nakabuo pa ng 'amy'. Three years old na si amy ngayon. Iniwan din siya nung koreano dahil nga madami siyang anak. Akala ko nga madadala na si nanay eh. pero nung may manligaw na pinoy. aba! Sinagot agad. Maganda kasi kahit nasa 40 na ang edad. naanakan nga siya ang lumabas si andy. two yrs old na si andy. Nabuntis ulit si mama ni tito rodel tapos nung lumabas na si 'ash' ay wala pang tatlong buwan si ash ay iniwan na kami. Sobra daw daming palamunin samin at hindi niya daw kayang alagaan kaming lahat. pvtang ina niya! Kaya ayun 8 months na si ash at kami kami nalang ang nag aalaga sa isat isa. Si nanay, bigong bigo sa pag-ibig niya daw kuno kaya laging nasa sugalan at winawaldas ang pera niya. Hindi ko naman siya binibigyan ng pera. swerte niya! Kahit nanay ko siya kung sa ganoon niya lang lulustayin ang pera ay hindi siya makakatikim kahit singkong duling sakin. Hindi ko nga alam saan nakaka kuha ng pera ang matandang yun eh.

Ako nadin ang nagpapa aral sa mga kapatid ko. Sino pa bang gagawa ng paraan? Ako panganay eh. Ayaw ko din na matulad sila sakin na walang pinag-aralan. Kaya lahat ng pwedeng pagkakitaan ginagawa ko. Pagbebenta nalang ata ng laman ang hindi ko nagawa. Ayaw kong gawin yun dahil ayaw kong matulad sa nanay ko. Hindi alam ng mga kapatid ko ang raket ko at wala akong balak paalam sa kanila.

Pumasok na ako nag iisang kwarto sa maliit na bahay namin. Grabeh, ang baho ko na. Nagpalit ako nang t-shirt at shorts ng panglalake. Halos lahat ng damit ko ay panglalake. hindi ako lesbyana. Sinadya ko talaga yun kasi nga para ang mga napaglumaan ko ay masuot pa nila anthony at ng mga bunso ko pang kapatid. Hindi naman kasi pwedeng damit pangbabae ang ipasuot ko sa kanila.

"A-ate kaen na yayu." Hinila hila ni andy yung shorts ko ng pumasok siya. Bulol padin tong batang to.

"Hoy batang paslit, lika nga dito." Binuhat ko siya at kinurot kurot yung pisngi niyang mataba at lumabas na ng kwarto. Nandun na sila nakatayo at nakapalibot sa lamesa. Tatlo lang kasi yung upuan tsaka di kasya lahat. Sakto namang kakadating lang ni alex at alfred sumulpot din si anthony sa likod nila. "Oh nasan si nanay?"

"Busy pa daw ate, una na daw tayo." kakamot kamot pang sagot ni alex.

"Ate!" sigaw ni alfred at nagmamadaling lumapit sakin. binatukan ko naman. "Aray!"

"Aray-aray ka diyan! Anong oras na, kung san san kapa." Binaling ko naman yung tingin ko kay anthony. "Oh, ikaw anthony! San ka pumunta bakit ngayon ka lang?!"

"Ate naman it's anthonette." Umirap irap pa yung pilikmata niya. aba sipain ko tong baklang ito eh. "Galing ako kay ate ruth. nagpatulong kasi siya magbantay ng mga bata...and look, binigyan niya ako ng 50 pesos." Nakangisi pa siya at pinakita sakin yung pera.

"Gaga ka talaga. Ikaw itago mo yan ha! Mag ipon ka."

Tumango tango naman si anthony. Inilapag ko na si andy sa isang upuan.

"Pinainom niyo ng gatas si ash?" Tinignan ko yung natutulog na bunso namin sa duyan niya sa sala. Tumango naman si andrea. "Oh tara na kain na tayo."

Pag kasabi ko nga ng signal eh nag si kuha na sila ng pinggan. Kumuha naman ako ng pinggan ko at dinamihan ng kuha ang kanin kasi susubuan ko pa si amy at andy.

"Teka pray muna tayo." Sabi ni alden nang akmang susubo na ang lahat.

"Gutom na ako." Sabi ko at tinignan naman ako ng masama ni alden.

"Sabi ni aling grasya dapat lagi daw tayo mag pray para madaming grasya." Sabi pa ni alden.

"Naniwala ka naman dun, eh di sana mayaman na tayo ngayon kung nadadaan sa dasal ang lahat." Tumawa pa ako mas lalong tumalim yung tingin ni alden sa akin. "Oh sya na sya na. Magdasal na." Pinagbigyan ko na baka umiyak pa to. tapos pumingit nga lahat sila ako lang ang hindi at tinignan lang sila. Hindi naman sa hindi ako naniniwalang may diyos, nagsawa lang siguro ako sa kanya dahil sa mga nangyayare sa buhay namin.

"Dear papa Jesus," umpisa ni alden. "Salamat po sa pagkaen na binigay niyo samin ngayong araw, sana po hindi mo po kami papabayaan sa mga susunod pang araw. yun lang po, Amen."

"AMEN." Chorus nila.

"Oh kaen na!" Nag si pag-kaen na nga sila. Palipat lipat naman yung subo ko kay andy at amy at sa sarili ko. Yung iba dun sa sahig kumakaen dahil nga kulang yung upuan.

"Ate, may babayaran pala kami sa school." Sabi ni anthony.

"Para san na naman yan?" Tanong ko. nasa second yr. na kasi si anthony at madami nga silang bayaran lagi. Tang na lang. "Tsaka magkano?"

"120, para dun sa P.E t-shirt namin. Deadline na sa friday. Pwede naman bigyan mo nalang ako ng 70 kasi may 50 na naman ako."

"Tss. kurakot talaga yang school niyo. Public lang naman. dapat hayaan nalang nila kahit hindi na naka uniporm ng maayos." reklamo ko. "Oh sya na. Bigyan na kita ng 120, tago mo na yang 50 mo. Mag ipon ka ha. wag kang manglalalake. Kundi puputulan kita ng bird." Natawa sila alfred sa sinabi ko.

"Si kuya madaming jowa!" -Anne

"Tse! Anne! Sabunutan kita diyan. Inggit ka na naman sa byuti ko." -anthony

"Hoy tama na yan! kumakaen eh." Sermon ko. Nag asaran pa ng tingin yung dalawa bago nag sipag kaen na.

Nung gabi na ay kanya kanya ng ayos ng higaan sila yung mga maliliit ay dun sa kwarto nagsiksikan at kaming matatanda ay nasa sala. Yung nanay naming magaling ay halos alas dose na ng makauwi. Tinignan ko lang siya ng maghanap siya ng makakaen.

"Nandyan yung pagkaen sa may lababo." Sabi ko. tumango lang siya. Hindi ko na siya kinausap mga ilang sandali pa di ko namalayan nakatulog na ako.

***

A/N: yung mga spelling po talaga ng ibang words iniba ko. kase nga yung character ni anna ay hindi nakapag aral. ^^ yun lang!

Ppyong!

~~ZeeDee

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now