chapter 7

7.5K 180 4
                                    

Drake's POV

"Anna, umayos ka nga." Tss. pang ilang beses ko na bang sinabi kay anna na umayos siya? Di ko na mabilang. ang gulo naman kasi ng babaeng ito. parang kiti kiti na ewan.

Nasa loob na kasi kami ng campus at kailangan na nga niya mag panggap na girlfriend ko. But damn, she's too loud. Lahat ng makitang intirisante ay tinuturo. Sarap itali eh.

Sh!t. nagkamali ba ako ng pag pili sa kanya? Parang gusto ko na mag back out.

"Bossing! Ang taray naman dito. ang daming karindirya!" Manghang mangha siya ng halos kada building na madaanan namin ay may mga cafeteria.

"Anna! manahimik ka nga. Ang daldal mo." Singhal ko sa kanya. Pinagtitinginan na din kasi kami sa ingay ng kasama ko.

Nanahimik naman siya saglit... mga 1 minute lang tapos nag ingay ulit.

napahawak nalang ako sa sintido ko. sumasakit ulo ko sa babaeng ito eh. Bago pa tuluyan uminit ang ulo ko ay dinala ko muna siya sa office ko. Yes. I have my own office here. Sinasanay na kasi ako ni dad sa pag ma'manage ng school.

"Sayo opisina to bossing?" Inilibot niya yung paningin sa silid.

"Yeah." I slumped lazily on the couch at sinenyasan si anna na maupo. "Anna listen..." umpisa ko. "Dahil may pinag usapan tayo. gusto ko ayusin mo yung trabaho. Hindi kita binabayaran para sa wala. naiintindihan mo ba ako?"

"Ah eh...bossing kasi, ok lang naman sakin yung trabaho, ang kaso ano..."

"Ano?"

"Uhmn..." umayos siya ng upo na parang di mapakali. "Hindi ko kasi alam paano magpanggap bilang girlfriend mo." napayuko ito ng mukha pero hindi nakaligtas sakin ang pamumula ng mukha niya.

Is she blushing?

"Anong ibig mong sabihin?" Fvck. Mauubusan ako ng tagalog kay anna eh.

"Eh kasi po bossing, hindi pa ako nagka boyfriend. Ibig sabihin, hindi ko alam alam paano maging girlfriend... kung buddy buddy lang, aba! Madali lang sa akin yun."

What the fvck? Hindi pa siya nag ka boyfriend? sa ganda niyang yan? pero sabagay nung hindi ko pa siya na-aayusan ay mukha siyang dugyutin. Hindi talaga mapapansin na maganda siya.

"Just go with the flow." Tinignan niya ako ng masama. Tss. makabayan ata talaga tong si anna at ayaw sa english. I just shrugged. "Tara na."

"Aalis na tayo?"

"Ay hindi.. psh." I rolled my eyes at her.

"Sungit mo bossing.. may dalaw ka noh?" She teased me.

I glared at her. Nag peace sign lang siya sabay ngisi. Ang ganda talaga ng babaeng ito, ang gandang itali.

***

(Written in third person's POV)

Naglalakad sila drake sa may hallway patungo sa tambayan nila ng mga kaibigan niya. Habang si anna naman ay nakasunod padin sa kanya. Laking pasalamat niya na kahit papaano ay hindi na gaanong nag-iingay ito.

Hindi din nakaligtas sa kanya ang mga tingin na ipinupukol sa kasama niya. lalo na ng mga kalalakihan na madaanan nila. Kahit ayaw niya ay nakaramdam siya ng inis. Pero may karapatan naman siya dahil 'girlfriend' niya ito pag nasa campus sila.

"Drake!" Agad na salubong sa kanya ng kaibigang si pat ng makita siya nito. kasama din nito si dustin at mike na kumaway din sa kanya. Nabaling ang atensyon ng kaibigan niyang si pat sa kasama niyang babae. "Whose with you?" Nakangiting tanong nito na halatang gustong pumorma sa kasama.

"My girlfriend." Matigas na sabi niya at diniinan talaga ang pagkakasabi. Hinawakan niya si anna sa kamay at hinila sa tabi niya na siyang ikinagulat ng dalaga. "Patrick, si anna. Anna si patrick...yun naman si dustin at mike." pakilala niya sa mga kasama.

"Hi anna." Bati ni pat dito at bumaling sa kaibigan. "Grabe ka bro, parang kailan lang nag mumukmok ka pa kay kate ngayon may girlfriend ka na. Tss. sabagay kung kasing ganda lang naman ni anna, hindi na ako magtataka."

"Shut up pat." Napailing nalang siya.

Naupo sila sa isang round table at nag kwentuhan. Napansin niya naman na tahimik lang si anna kaya nilingon niya ito. magkahawak padin ang mga kamay nilang dalawa. To show everyone that they are a couple.

"Ok ka lang?" Tanong niya dito. Bahagyang nag angat ito ng tingin sa kanya at kitang kita niya ang pamumula ng pisngi nito.

"bossing h-hindi mo pa ba bibitiwan yung kamay ko?" Bulong nito sa kanya kaya bahagyang lumapit ang mukha nito. Amoy na amoy niya ang tamis ng pabango nito.

"Girlfriend kita remember?" Bulong niya din dito. "Kailangan to." Pinisil niya ang kamay nito.

"Ah-eh...pasmado pa naman kamay ko." Nahihiyang usal nito na hindi makatingin sa kanya ng deretso. Lalo din namula ang magkabilang pisngi nito na lalong ikinaganda nito. Yes he admit. She's really pretty.

"Nakakainggit naman." Sabi ni mike na nakatingin sa dalawa.

"Ayan oh, si dustin available." Turo ni pat sa kasama na busy sa cellphone. Hindi naman sila pinansin ng kasama.

"Gag@.. dadamay mo pa ako sa kabaklaan mo pat.. tsk," napailing si mike at bumaling ulit sa kanya. "Anyway, next week na yung try out sa basketball drake, sabi ni coach kailangan nandoon ka daw."

"Bakit? I already told coach that I'm quitting as the captain."

"Eh 'wala pa naman nahahanap na ipapalit sayo." He shrugged. "Sayang naman kasi nag quit ka."

"Maglalaro pa naman ako e' but not as the captain of the team. Busy na kasi ako. Alam mo na 'since graduating na tayo. Tinitrain na ako ni dad ngayon palang para sa mga business namin." Paliwanag niya sa mga kaibigan. Gustuhin niya man na i-enjoy pa ang natitirang buwan sa kolehiyo ay hindi niya magawa dahil narin nga sa mga pinapagawa sa kanya ng daddy niya.

"Ikaw anna, ano nga pala ang course mo?" tanong ni pat sa kay anna na kanina pa nananahimik.

Naramdaman ni drake ang paghigpit ng hawak sa kamay niya ni anna. Indicating she that don't know what to say.

"She's taking up EDUC 'major in Filipino." Pa cool na sabi ni drake at binalingan ng tingin si anna. Giving her a reassuring smile. "Ngayon palang nga pina-practice niya na ang vocation niya kaya hindi siya nag sasalita ng english. So kung ako sa inyo, kausapin niyo lang siya ng tagalog.. diba babe?" He squeezed her hand telling her to go with the flow.

"Ah oo," mabilis na sang ayon ni anna. "Mahirap talaga yung kurso ko.. dumudugo na nga ang ilong ko sa tagalog." Nagkunwari pa ito na nag punas ng ulang in a very unlady like manner. "Kaya mg tsong, tagalog lang. mah---"

"Babe, gutom kana?" Putol niya agad sa kung ano pang sasabihin nito. Nagiging madaldal na naman kasi ito at mahirap na baka kung ano ano pa ang lumabas sa bibig ng babaeng ito.

Nagtataka naman napatingin sa kanya si anna. "Bossing, kakakaen---"

"Gutom kana diba?" Diniinan niya ang bawat salita at tinitigan ito. Sana naman maintindihan nito ang nais niyang iparating.

Tumahimik kana. yun ang gusto niyang sabihin dito.

"Ah eh. Oo bossing gutom na ako." ngumisi ito. Laking pasalamat niya at nakuha nito ang gusto niyang iparating.

"Sige guys una na kami. Gutom na girlfriend ko 'e." Paalam niya at tumayo. hawak hawak padin niya sa kamay si anna kaya napasunod nadin ito sa kanya.

"Sige mamaya nalang." Kumaway pa ang mga kaibigan ni drake at umalis na nga sila.

Hawak hawak padin niya ang kamay nito habang naglalakad sila hallway.

"Saan tayo pupunta bossing?" tanong nito sa kanya.

"Doon ka muna sa office ko. May pasok pa ako."

hindi nadin naman ito gaanong nangulit sa kanya. Iniwan niya muna si anna sa opisina niya at dumiretso na sa klase niya. Mukhang nabigo siya ngayong araw dahil hindi niya naman nakita si kate.

***

A/N: bangag ako walang maisip na update T.T

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now