"Alejo!" Iritadong anas ko sa apelyido niya. "Aalis na ako—"


"Is it that hard to tell me where the fuck are you heading to?"


Kahit naka sunglasses siya ay malinaw sa akin ang pagkunot ng kaniyang noo. Tila tumatagos sa kaniyang salamin ang seryoso at masama niyang tingin. Napakurap ako at bumuntong hininga bago magsalita.


"Makati. Ayos na?"


Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin at tila tinitimbang ang ekspresyon ko. I saw his jaw clenched before he licked his lower lip. Hindi ko napigilang sundan iyon gamit ang aking mga mata. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay ganoon pa rin ang hitsura niya.


"Alright, ihahatid kita."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What? Hindi pa ba sapat na hindi ko siya kinibo buong biyahe at sinusungitan ko siya ngayon para ipamukha sa kaniya na ayaw ko siyang kasama?


Bakit ang kapal kapal ng mukha niya para umaktong gentle man pagkatapos niyang pagtripan ang tenga ko noon? My god naalala ko na naman iyon!


"No way, kaya kong mag-isa." Tanggi ko pero hindi na siya nakinig. Pumara siya ng taxi at napapantastikuhang napatitig ako sa kaniya. Huminto ang taxi sa harapan namin at walang lingon niya akong iniwan sa aking puwesto.


Inilagay niya ang maleta ko sa trunk ng sasakiyan at bumalik para pagbuksan ako ng pintuan sa backseat. Hindi pa rin ako makagalaw. Para akong tanga na naestatwa habang nakatitig sa kamay niyang nakahawak sa hamba ng pintuan. Nakatupi ang sleeves ng kaniyang dress shirt hanggang sa siko kaya binabati na naman ako ng nakaka akit niyang mga ugat.


Napalunok ako habang pinagmamasdan ang pag-igting ng mga iyon at iniimagine ang mga dumadaloy na dugo pataas sa kaniyang mga balikat. Fuck it, I want to practice venipuncture with him agai—


"Seriously woman, you have to get a grip of your obsession with veins. I can feel your desire to extract blood from me again."


Kumunot ang noo ko at mabilis na nag-angat ng tingin sa kaniya. May multo ng ngisi sa kaniyang labi habang pantay na ang linya ng kaniyang mga kilay. Sa huli ay sarkastiko akong nagbuga ng hangin bago padabog na sumakay sa loob. Sumunod naman siya at isinara niya ang pinto bago umandar ang sasakiyan.


Nakarating kami sa Rizal nang hindi nagkikibuan. Bumaba ako at ako na ang kumuha ng maleta ko nang buksan niya ang trunk ng taxi. Hinayaan ko siyang magbayad dahil tinatamad akong buksan ang maleta ko para maglabas ng wallet.


Nauna akong maglakad papasok sa bahay ni nanay Ida. Siya lang mag-isa rito at biglaan ang pagbisita ko kaya siguradong magugulat siya. Kumatok ako ng tatlong beses.


"Sandale!"


Napangiti ako nang marinig ang pamilyar na boses niya. Ilang buwan ko nang hindi naririnig iyon. Nang bumukas ang pinto ay nanlaki ang mga mata niya at bakas ang tuwa sa kaniyang mukha. Naningkit ang mga mata niya dahil sa pag ngiti nang makita ako.


"Sadie! Anak ko,"


Nanggilid ang mga luha niya nang daluhan ako para sa mahigpit na yakap. Binitawan ko ang maleta ko para yakapin siya pabalik. Nakangiti ako habang nakapatong ang aking baba sa malambot niyang balikat.


"Kamusta ka na.." nanginig ang boses niya nang tanungin iyon. Kumalas ako sa yakap at hinarap siya. Hawak niya pa rin ang mga kamay ko habang pinapasadahan ng tingin ang aking kabuoan. "Ang ganda ganda mo anak.. lalo kang gumanda,"


La Cuevas #3: Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon