As time goes by, everything was perfect. Our friendship is perfect. Sa three years na pagsasama namin ay syempre tumatanda na kami at may mga nalalaman na.

"Crush mo lang si Eros e!", tukso namin kay Nikole.

"Hindi nga!", pikon na saad ni Nikole.

"Weh!"

"Teka nga!", biglang singit ni deity, "Ano yung crush?"

Nagsalita si Victoria, "Paghanga 'yon deity."

Nagtaka ito, "Paghanga lang naman a. Bakit niyo inaasar si Nikole?"

"Kasi crush niya si Eros."

"Hinahangaan lang naman niya diba? Ibig sabihin crush ko kayong lahat."

"Talaga? Bakit mo kami hinahangaan?", Nikole asked.

Linagay nito ang kamay sa baba, "Kasi mabubuti kayong tao at nakakamangha ang mga kakayahan niyo."

Nalaman din namin na may nararadaman na pala si Caiele dito, higit pa sa paghanga.

"Binata na si Caiele!"

"Congrats bro!"

"I knew it! I knew it!"

"Ligawan mo na agad!"

"Gaga! Ten palang si deity!"

"Age doesn't matter! Edi magantayan!"

"Umamin ka muna Caiele."

Kahit bata pa kami non, alam naming seryoso si Caiele tungkol doon. We helped him confess his feelings to deity. Nagplano kami nang umalis ito at babalik muli pagkatapos ng isang buwan.

Pero mapagbiro ang tadhana. Si Prince Liam, na kaibigan din ni Caiele ay may sinabing kagulat gulat. Sinabi nito na may kapatid siyang babae, may anak na babae ang royal family, na ipapakilala pagsapit ng bilog na buwan.

Mas lalo kaming nanlumo nang sabihin ni Caiele sa'min na humingi ng pabor sa kaniya ang prinsipe. He wants Caiele to take care of his sister, he wants Caiele to love his sister. Parang pinagkasundo niya ang dalawa.

Hindi alam ni Caiele ang gagawin. Hindi rin namin ang alam kung matutuloy pa ang lahat ng plano namin.

Pero nagpakatatag si Caiele. Sinabi niya sa amin na itutuloy niya. Si deity ang nasa puso niya at wala nang iba.

Dumating a gabi ng Full Moon. The unknown princess will be introduce. But an unexpected event happened. Umatake ang mga fuscus sa gitna ng kasiyahan sa loob ng palasyo. Hindi rin naipakilala ang prinsesa. Walang nakaalam ng pangalan niya, at kung sino siya.

That night was a disaster. Nagkagulo ang bayan ng dicio at diatriba. Lalo na nang mapatay ang hari't reyna, pati si Prince Liam na inaasahan ng lahat.

Kinabukasan ay araw ng pagdating ni deity. Tuloy pa rin ang confession ni Caiele. We beautified the paradise of caelum. Everything is perfect, everything is magical. Si deity na lang ang kulang.

We all waited, buong araw nagantay si Caiele. Nakaramdam na kami ng pagod pero si Caiele ay matyaga pa ring naghintay.

"Baka nadelay lang ng punta, bro.", wika ni Eros dito.

"Bukas nalang.", dugtong ni Victoria.

"Dadating siya, dadating siya.", mahinag sagot ni Caiele.

Kung hindi pa sumapit ang dilim ay hindi titigil sa paghihintay si Caiele. Sinundo na rin ito ni Tito Lewis.

Umasa kaming babalik pa si deity, but several days passed no one showed up. Unti unting bumalik ang dating Caiele. But something worst happened.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon