Underwater

442 23 2
                                    

I'm actually very satisfied with this chapter, hope you guys too. Enjoy reading!

Chapter 21

Diana's POV

Namangha ako sa mga nasaksihan ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Wala na ang mga paa ko at napalitan ito ng ginintuang buntot. Nagbago rin ang damit pantaas ko, kulay puti ito at labas ang balikat na may mahabang manggas, labas rin ang tiyan at pusod ko. Akala ko pa naman nakabra lang ako, iyon ang alam kong suot ng mga sirena at mas malala ay may mga nakahubad lang.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Nagiba rin ang mga kasuotan nila at naging buntot din ang kanilang mga paa. Si Nikole ay nakadamit ng kulay pula na crop top at may strap, nagliliwanag ang kulay dilaw nitong buntot. Turtle neck at crop top na walang sleeveless at kulay pilak ang suot ni Victoria, nakakaakit din ang buntot nitong rosas ang kulay. Maliwanag ang pagkaabo ng buntot ni Rhaine at nakasuot ito ng tube na kulay asul. Ang mga lalaki ay walang damit pantaas kaya kitang kita ang matitipuno nitong katawan. Kulay berde ang buntot ni Ethan habang kulay asul ang kay Eros. Kulay puti naman ang buntot ni Caiele. Matapos nilang suriin angs sarili at tumingin sila sa gawi ko at nanlaki ang mga mata.

"Owemjii ang ganda mo Diana!", sigaw ni Rhaine. Nasa ilalim na kami ng tubig pero nakakasigaw pa ito. Hindi ba pumapasok ang tubig sa bibig nito?

"Nice, golden tails.", saad ni Eros.

Tinapik naman ito ni Nikole, "Sige, landiin mo pa. Lagot ka talaga kapag nagalit si Caiele.", saad nito.

Napakamot sa ulo si Eros. Napalingon ako kay Caiele na seryosong nakatingin sa'kin. Bakit naman magagalit si Caiele?

"Kailangan na natin mauna. Marunong naman siguro kayong lumangoy ano?", saad ni Victoria. Tumango kami at nagsimulang pagalawin ang aming buntot. Medyo mahirap pero nakakaya naman.

Sumisid kami sa pinakailalim ng dagat. Kailangan na namin mahanap ang lugar na tinitirhan ng mga sirena.

"Tama ba 'tong nilalanguyan natin?", biglang tanong ni Nikole.

"Mermaids usually live at the deepest part of the sea. Lumangoy lang tayo, makikita rin natin ang hinahanap natin.", sagot ni Victoria.

Hindi madaling lumangoy paibaba, masyadong mataas ang water pressure sa ilalim ng dagat kaya kailangan mo talaga ang iyong buong lakas para makasisid sa pinakailalim.

Natigilan kami nang may maramdaman sa aming likuran. Nilingon namin ito at laking gulat ko nang makita ang dalawang malaking pating na patungo sa'min. Napansin ko ang nangingitim nitong mga mata at mga itim na ugat nito. Nakarating na rito ang mga fuscus?

"Kontrolado ito. Bakit parang ang bilis kumilos ng mga fuscus!?", inis na saad ni Ethan.

"Takte, baka naunahan na nila tayo----"

Biglang sumugod ang dalawang pating kaya napalangoy kami para umiwas. Ginamit ni Victoria ang build niya para labanan ito. Si Victoria ang may kakayahan dito dahil kontrolado niya ang tubig.

Pinalibutan ng dalawang pating si Victoria. Nahihirapan ito dahil higit na mas malaki kumpara sa kanya ang dalawang pating. Kailangan naming makaisip ng paraan para makatulong. Hindi pwede nakatunganga lang kami rito.

"We must help her! She can't defeat that all by herself!", saad ni Rhaine at akmang lalapit na sa kinaroroonan ni Victoria nang pinigilan ito ni Caiele..

"Don't do anything stupid, Rhaine. You'll use you build? Do you wanna kill us all?", seryosong saad nito.

Napakagat ako ng labi. Kung maglalabas ng kuryente si Rhaine dito sa ilalim ng tubig ay pati kami ay madadamay. Tumahimik naman ito at sinunod ang sinabi ni Caiele.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now