Lessons

478 17 3
                                    

A/N: Pinaaga ko na. Hindi ko na sinaktong 8pm. Enjoy Reading!

Chapter 12

Diana's POV

Matagal kaming nagkatitigan ni Charlene. Hindi ko alam kung bakit parang may galit si Charlene sa'kin, maayos naman kami dati, pero maayos nga ba?

Naramdaman ng mga geminus ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Charlene. Narinig ko namang nagsalita si Nikole.

"Dito na kasi nakatira si Diana, Charlene.", saad nito.

Mas nagulat ang mukha ni Charlene, "Bakit Ate? Bakit titira dito si Diana? Hindi naman siya isang geminus.", bakit parang galit ito na dito ako titira?

"Utos ng Head Teacher Charlene. Mismong Head Teacher ang nagsabi---"

"Kung gayon, can I live here?", pagputol nito sa sinabi ni Victoria.

Nabigla ang mga geminus. Kahit ako ay nabigla. Bakit parang hindi si Charlene ang kaharap namin ngayon?

"Look Charlene, utos ito ng Head Teacher kaya nandito si--"

"Bakit naman iuutos ng Head Teacher 'yon Kuya Eros? I doesn't make sense! Why would a filthy virtus live with---"

"Shut it Charlene. You're also a virtus!", galit na saad ni Ethan.

"Exactly! Isa rin akong virtus katulad niya kaya bakit hindi ako maaaring tumira rin dito?", sagot ni Charlene dito.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa inaasta ni Charlene ngayon. Ibang iba ito sa Charlene na kilala ko. Si Charlene ay mahinhin at hindi marunong magalit, pero ang ang Charlene na kaharap namin ngayon ay kasalungat nito.

"Charlene, huwag ka namang---", pinutol nito ang mga sasabihin ko.

"Shut up! Anong ginawa mo noong wala ako? Inagaw mo ang mga kaibigan ko! Sabi ko na nga ba at may tinatago kang baho Diana. Kaplastikan lang din siguro ang ginawa mong pagtulong---"

"Enough Charlene!"

Nabigla kami sa pagsigaw ni Caiele. Galit ang mga mata nito kaya kahit si Charlene ay natigilan sa pagsasalita.

Naiiyak na tinignan ni Charlene si Caiele, "Ikaw rin Cai? Kakampi ka rin kay Dia---"

"I said enough.", seryosong saad ni Caiele.

Tila gumuho ang mundo ni Charlene. Nanunubig ang mata itong nakatingin kay Caiele. Patulo na ang mga luha nito nang maglakad si Caiele papunta rito.

"Come with me.", saad nito kay Charlene at hinawakan ang pulso at lumabas.

Naramdaman ko na naman ang pangingirot ng puso ko. Alam ko na ang kakampihan niya ay si Charlene. Pero bakit umaasa akong ako ang kakampihan niya?

"Si Charlene ba talaga 'yon?", takang tanong ni Nikole.

"Ngayon ko lang siyang nakitang ganon.", saad naman ni Victoria.

"To be honest nainis ako sa kanya. Parang tinuring niya tayong pagmamay-ari niya para sabihing inagaw tayo ni Diana mula sa kanya.", seryosong sabi ni Eros.

"Just forget it guys. Si Caiele na ang bahala kay Charlene.", saad ni Ethan.

Napabuntong hininga naman ako, "Naiintindihan ko naman si Charlene. Nagkulong siya hindi ba? Ibig sabihin may problema siya, tapos makikita niya yung mga kaibigan niya na may bagong kasama.", saad ko.

Tumango naman ang mga ito. Nagpatuloy nalamang kami sa pagkain. Pagkatapos ay nagkanya kanyang ayos na kami para sa klase. Lumabas ako ng dorm para magpahangin. Nagaasikaso pa ang iba kaya lumabas muna ako. May napansin naman akong dalawang tao .

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now