Back Story

413 10 0
                                    

Happy 400 reads! Enjoy reading!

Chapter 34 (Last Chapter)

Rhaine's POV

"Dahil nasa harapan mo lang siya, Charlene. Nasa harapan mo lang ang batang deity."

Natigilan kaming lahat. All of us are looking at Diana, at deity..

Hindi ko kailan man inisip na siya si deity, yes, I can see deity in her pero inisip ko ay may pagkakahawig lang sila.

Our eyes landed on Caiele. He's just listening like he's expecting this, like he know about this. Habang kami ay nanlalaki ang mga mata dahil sa narinig.

Seven years since nakilala namin si deity. We were very young back then. Nagtataka pa nga kami kung bakit wala daw siyang pangalan, that's why we named her deity, because she look like one.

"Deity!"

Nagtaka ang batang babae, "Deity? Ano 'yon? Bakit iyon ang itatawag niyo sa'kin?"

"Mukha ka kasing deity, mukha kang dyosa dahil ang ganda ganda.", Nikole said with a very alive tone.

We become bestfriends. Me, deity, and the geminus. Napakatatag ng pagkakaibigan namin. Our friendship is unbreakable.

Si deity rin ang nagsilbing tagapagtanggol ko. I was bullied back then, dahil malapit ako sa geminus kahit isa lamang akong magus.

"Pinapangarap mo ba maging isang geminus? Pumatay ka ng virtus tapos magpapasa ka ng ability! Tutal desperada kang mapalapit sa mga geminus.", sigaw nito sa'kin at tinulak ako. Napaupo ang at walang nagawa kundi umiyak.

"Hoy!"

Napalingon kami kay deity na ngayon ay papalapit sa'min. Masama itong nakatingin sa batang umapi sa'kin.

"Ikaw rin! Desperada kang mapalapit sa mga geminus! Wala ka namang abilidad!"

"Ano bang pakialam mo? Inggit ka kasi kaibigan namin ang mga geminus!?", mataray na sagot ni deity dito.

Akmang sasaktan ako ng bata pero humarang sa'kin si deity.

"Ako nalang ang saktan mo! Huwag na si Rhaine!"

Iyon din ang unang beses na nakita ko si Caiele na unti unting nagbago. He changed, he changed because of deity. Hindi malapit si Caiele kila Tita Esther at iwas pa ito. We tried to convince him na huwag maging cold but nothing happened.

But when deity came, nagbago si Caiele. Naging showy na siya at hindi na siya ganun ka cold tulad ng dati.

"Magmano ka nga sa mama mo Caiele!"

Tita Esther just smiled, "It's okay iha. Nasanay na kami."

Deity shaked her head, "Hindi pwede 'yon Tita. Bilis na Caiele!"

Umiwas lang ng tingin si Caiele, "No."

"Isa!"

"I said no."

"Dalawa.", pinanlakihan na ito ni deity ng mata.

"Ugh! Fine!", padabog na wika ni Caiele at lumapit sa Mom niya. Nagmano ito at tumingin kay deity, "Happy now?"

Ngumuso si deity, "Halikan mo rin sa pisngi.", then smiled.

Caiele's eyes widened, "What? No!"

"Isa!", muling pagbilang ni deity.

Walang nagawa si Caiele kundi humalik sa ina. Lumawak ang ngiti ni Tita Esther sa ginawa ni Caiele. Everyone laughed except Caiele na ngayon ay nakabusangot ang mukha. Si deity lang talaga ang katapat nito.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now