Perfect Night

415 12 1
                                    

Eros and Nikole's Moment ahead! Enjoy reading!

Chapter 24

Diana's POV

Tatlong araw na simula nang mangyari ang insidente. Inaalam na rin ng diatriba kung ano ang dahilan ng sunog. Lahat ng estudyante ngayon ay naghahanda para sa Cresent Night. Kahit ang mga kaibigan ko ay iyon ang laging sinasabi.

"I'm so excited! Kahit no partner ulit.", bulalas ni Rhaine. Puro babae kami ngayon dito sa cafeteria. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa ang mga lalaki dito. Tanging si Markell lang at parang ang lalim pa ng iniisip. Napansin ko ring wala si Charlene, hindi ko pa siya nakikita simula noong insidente.

"Sabay sabay tayo bumili ng gown. May alam akong bilihan ng damit sa dicio.", saad ni Victoria.

"Si Mama na ang bahala sa gown ko. Sasamahan ko nalang kayo.", ngiting sagot ni Friella.

Tumango si Victoria. Sumulyap naman ito kay Nikole, "Ikaw Nikole? Wala ka na namang partner ngayong taon?", tanong nito.

Umikot ang mata ni Nikole, "Sanay na akong walang kapartner. Mas masaya kaya pag magisa, diba Rhaine?", nakangiting saad nito.

"Correct ka dyan.", saglit itong nagisip, "How about Eros? Ayaw mo ba siyang kapartner.", tanong ni Rhaine.

Nawala ang ngiti ni Nikole at umirap ang mata, "For sure may babae na 'yon. Sa landi non iba ibang babae ang kasama kada taon.", iritang saad nito. Napatawa naman sila sa sagot nito.

Hindi ko naman poproblemahin ang bagay na yan. Pinilit nila akong pumunta pero wala talaga akong balak. Yung mga lalaki lang ata ang walang alam na hindi ako dadalo.

Narinig ko ang pagtawag ni Markell sa'kin. Nilingon ko ito na ngayon ay nakatitig sa'kin. Nginitian ko ito.

Huminga ito nang malalim, "May gusto sana akong sabihin Diana."

Kumunot ang noo ko, "Ano 'yon?"

"Hindi pa naman siguro huli diba? Gusto sana kitang--"

Napatigil ito sa pagsasalita nang may pumukas sa cafeteria kaya't napalingon kaming lahat doon. Nakita ko ang tatlong geminus na sabay sabay pumasok. Agad itong tumngo sa gawi namin. Nakatitig sa akin si Caiele habang umuupo sa tabi ko. Napansin ko namang nagtama ang mata nila ni Markell.

"Ang taga niyo, saan ba kayo pumunta?", tanong ni Nikole.

"Namiss mo lang kami e.", tukso ni Eros. Inirapan lang ito ni Nikole at hindi nagsalita. Napapansin kong tumatahimik na itong si Nikole kapag sinasagot ni Eros.

Naramdaman kong humawak si Caiele sa isang kamay ko. Napatingin ako dito pero seryoso lang ito na parang walang ginawa. Walang nakakapansin dahil nasa ilalim ng lamesa ang kamay namin.

Akmang babawiin ko sana iyon pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Napasulyap ito sa'kin kaya pinanlakihan ko ito ng mata, pero nginisian lamang ako nito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Simula noong nangyari ay naging madikit na sa akin si Caiele. Wala naman siyang sinabi na magkasintahan na kami pero kung makadikit ay higit pa sa mag-asawa. Parang hindi si Caiele dahil nagiging makulit din ito kapag kami lang ang magkasama.

Puro tungkol sa Cresent Night ang pinaguusapan nila simula kanina hanggang sa natapos kami sa pagkain. Gusto ko na nga umalis dahil kahit tapos na kami kumain ay hindi pa rin sila tumatayo dahil sa paguusap nila.

Maya maya ang tumayo na si Friella at Markell. May klase pa ang dalawang 'to kaya't hindi sila pwedeng magtagal. Ayaw pa sana ni Markell na umalis dahil hindi niya natuloy ang sinabi niya kanina pero sinabihan ko itong unahin ang klase.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon