The Truth

408 15 4
                                    

Napaaga siya HAHAHA Enjoy Reading!

Chapter 33

Markell's POV

Matagal ko nang alam, matagal ko nang alam na iba ang gusto niya, iba ang mahal niya.

"Susugal ka pa rin ba talaga Markell?", tanong ni Friella sa'kin. Nilingon ko ito. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa'kin.

"I love her...", nanghihina kong sagot.

"Bakit hindi na lang ako?"

Narinig ko ang paghikbi ni Friella. Hinila ko ito at yinakap. Ang sama ko kay Friella, ang sama sama ko.

"I'm sorry Friella, I'm so sorry.", bulong ko rito.

"Bakit hindi na lang ako Markell? Ako ang laging kasama mo, ako ang nandiyan kapag may problema ka. Bakit hindi ako? Bakit hindi ako na laging kasama mo? Bakit siya na bihira mong makita? Bakit siya ang nasa isip mo kahit na ang ako ang kasama mo?"

Napikit ako. Kung pwede lang Friella, kung pwede ko lang diktahan ang puso ko.

Simula nang makita ko si Diana ay alam kong mahuhulog ako rito. Nagsimula ang lahat sa klase ni Mr. Mikael. Kami ang magkalaban sa duel. Alam kong wala siyang alam sa pakikipaglaban. Ayoko nang patagalin pa ang laban dahil masasaktan siya.

Agad agad akong humingi ng paumanhin sa kaniya noon. Ngumiti siya sa'kin na naging dahilan na mas lalo ako mahulog sa kaniya.

Kinapalan ko ang mukha ko na sumabay sa kanila tuwing lunch. Akala ko ay tatanggi sila dahil lalaki ako at babae sila. Laking tuwa ko nang pumayag sila.

Pero noong araw na 'yon ay hindi lang sila ang kasabay ko. Kasabay namin ang mga geminus. Tahimik lang ako non at pinagmamasdan sila.

Nakita ko kung paano tumingin si Caiele kay Diana. Lalaki ako kaya alam ko ang ibig-sabihin non. Pero sinabi ko sa sarili ko na lalaban ako.

Ngunit halos manghina ako nang malaman na maninirahan ito kasama ang mga geminus. Makakasama niya si Caiele sa iisang tirahan. Nawawalan na ako ng pag-asa noon.

Bihira na ko nang makasama si Diana, dahil ang mga geminus na ang kasama nito. Si Friella na ang laging kasama ko pero ang nasa isip ko ay si Diana.

"Hoy Markell.", naramdaman kong tinapik ako ni Friella. Napalingon ako dito at nakitang nakatingin ito sa'kin.

"Nakatulala ka na naman."

"May iniisip ko.", dahilan ko.

Bumuntong hininga ito, "Si Diana na naman ba iniisip mo?"

Hindi ako nakaimik. Nakita ko kung paano naging malungkot ang mata ni Friella pero hindi ko pinansin iyon. Si Diana lang ang nasa isip ko.

Ilang araw ang lumipas at hindi ko nakita si Diana at laging si Friella ang kasama ko. Isang araw ay biglang may sinabi si Friella sa'kin.

"G-gusto kita Markell."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito, "A-ano?"

Bumuntong hininga ito, "Pinigilan ko Markell, dahil alam kong iba ang gusto mo. Pero wala e, tuluyan pa rin akong nahulog."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam na mahuhulog sa'kin si Friella.

"I'm hoping Markell. Umaasa ako na balang araw ako naman ang makikita mo. Ako naman ang mamahalin mo.", mahina itong napaiyak.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under Editingजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें