Sorrow

442 16 8
                                    

Nagrereklamo sila na bitin daw kaya ayan HAHAHA Enjoy Reading!

Chapter 31

Diana's POV

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa chydaeus. Isang linggo na nang mawasak ang chydaeus.

Walang natira na mamamayan ng chydaeus. Walang naligtas. Nahuli kami ng dating.

Kahit man lang si Tita Fransica ay hindi namin nasagip. Labis akong nasasaktan dahil siya ang nagaruga sa'kin noong nasa chydaeus ako. Pero walang wala ang nararamdaman ko sa nararamdamang pagdurusa ni Friella nang mamatay ang ina.

Nagkukulong ito sa dorm. Sinubukan ko siyang kausapin pero nais niyang mapag-isa. Mabuti na lamang ay pinatigil muna ang klase dahil sa nangyari.

Ang ginagawa na lamang ngayon ay pagsasanay para sa darating na digmaan. Ang digmaan na tatapos sa lahat.

Nagpadala ng mensahe ang mga fuscus. Alam kong naghihinagpis si Charlene dahil sa pagkawala ng tatay niya. Poot na poot ito at gusto agad tapusin ang buhay namin, ang buhay ko.

"Diana, bisitahin natin si Rhaine."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Victoria na may malungkot na mga mata. Pilit akong ngumiti at tumango.

Nalulungkot pa rin ako sa nangyari kay Rhaine. Isinakripsiyo niya ang sarili sa'kin. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.

Pinuntahan namin ang kinaroroonan ni Rhaine. Nakita namin ito na nakahiga sa isang puting kama.

"Rhaine?", mahinahong tawag ko. Nakapikit ang mga mata nito.

"Gising na Rhaine.", mahinang saad ni Victoria.

"Bangon na."

"Nandito na kami."

Pero hindi pa rin nito minumulat ang mga mata. Komportable pa rin itong nakahiga sa puting higaan.

Nabigla na lamang ako nang sampalin ito ni Nikole kaya napalikwas ito ng bangon.

"Ouch naman Nikole! What was that for!?", hawak hawak ni Rhaine ang pisnging sinampal ni Nikole.

"Kanina ka pa namin ginigising. Kailangan mo lang pala ng isang sampal.", sagot ni Nikole.

"It hurts kaya!", nakangusong saad ni Rhaine. Napatawa na lamang kami.

Tumabi kami at umupo sa tabi ni Rhaine na ngayon ay nakaupo na sa higaan.

"Masakit pa ba ang sugat mo?", tanong ni Eros.

"A liitle, but I can handle.", sagot ni Rhaine. Napabuntong hininga ako kaya napatingin sa akin si Rhaine.

"You're blaming yourself again?", saad nito sa'kin.

Pilit akong ngumiti, "Kasalanan ko naman---"

"Again, again, again. I've already told you a hundred times. Wala kang kasalanan.", saad nito habang nakatitig sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napayuko ako.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito, "Don't you dare cry, Diana. Yari ako kay Caiele niyan."

Napatawa ang iba at napatingin kay Caiele, kahit ako ay napatingin din dito. Seryoso lang itong nakatitig sa'kin.

"Bumalik na kayo at magsanay. May digmaan pa na paparating. I appreciate your visit.", biglang saad ni Rhaine. Tinanguan na lamang namin ito at ngumiti. Kinawayan namin ito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Naglakad na lamang kami patungo sa dorm. Isang linggo nang nasa pagamutan si Rhaine at nagpapahinga. Mabuti na lamang ay maayos na siya ngayon hindi katulad noon dahil sa pinsalang tinamo nito kay Samael.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now