Prologue

1.5K 36 4
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, place, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ... This novel's story and characters are fictitious.

Plagiarism is a crime

This book is unedited. Expect Typographical and Grammatical Errors. Enjoy Reading!

*****

Tumaktakbo ako sa gubat kasama ng aking kapatid. Sumugod ang mga fuscus sa kaharian habang nagsasaya ang mga magus at virtus dahil ipapakilala na ang nagiisang anak ng hari at reyna, ipapakilala na ako.

Walang nakakaalam na may anak na babae ang royal family. Itinago nila ako sa chydaeus kung saan ang mga ordinaryong tao naninirahan, mga walang abilidad o kapangyarihan.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa kaharian, siguro'y nakikipaglaban na ang mga magus at virtus para protektahan ang royal family, protektahan kami ng kuya ko.

Wala na ang mahal na hari at reyna, napatay na sila bago pa ko mapakilala, pinatay sila sa harap ko.

Kaya pinatakas na kami ng kuya ko. Nandito kami sa sa gubat ng Arbelya. Ramdam namin ang presensya ng mga fuscus, alam nilang nakatakas kami.

Sobrang layo na ng tinakbo namin ng kuya ko. Hingal na hingal na kami pareho at kinakabahan dahil baka mahuli kami ng mga fuscus.

Pero alam kong kaya ni kuya talunin ang mga ito. Hawak nya ang pinakamalakas na kapangyarihan sa buong bayan ng Dicio kaya't siguro hinahabol kami ngayon.

Napatigil kami sa pagtakbo ng may isang nakakapang itim ang humarang sa aming daraanan.

"Tingin ba ninyo'y makakatakas pa kayo sa amin? Mamatay kayo tulad ng nangyari sa magulang mo Liam!", sigaw nito na may ngisi sa kanyang mga labi.

"Hayop ka! Napatay mo na ang mga magulang ko! Pinatay mo sa mismong harap ako pero bakit hindi ka pa nakontento? Hayaan mo nalang kami!" sigaw ng kuya ko.

Gusto ko magsalita, gusto ko rin isigaw itong sakit na nararamdaman ko. Gusto ko rin sya patayin gaya ng ginawa nya sa magulang ko. Pero hindi pwede.

Hindi pwede dahil tinatago nila ako.

"Walang pwedeng mamuhay na galing sa Royal Family dahil kayo ang tatapos sa angkan naming mga fuscus! Hindi kami papayag na sirain ang pinaghirapan namin! Kami ang mamumuno na bayan ng Dicio!" sigaw niyo kay kuya

"At may kasama kang isang binibini, maaari ko ba makita ang kanyang mukha? Tutal, parehas naman na kayo mamamatay ngayon.", sabi nito ang tinignan ang gawi ko.

Pwinesto ako ni kuya sa likod nya upang harangan ako, "Huwag mo syang gagalawin Samael. Ako ang puntirya mo kaya ako ang harapin mo!"

"Kung iyon ang nais mo may masusunod mahal na prinsipe, pero pagtapos mo ay sisiguraduhin kong patay rin ang kasama mo!" sigaw nung Samael at sinugod si kuya.

Umatake si Samael gamit ang kanyang itim na mahika, binalutan nya ng itim na usok si kuya Liam ngunit naalis nya ito gamit ang kanyang mahika. Nagpatuloy sila sa paglalaban ngunit hindi nailagan ni kuya Liam ang panghuling atake ni Samael.

"Ku-!", gusto kong sumigaw, gusto kong sumigaw ng kuya Liam, pero hindi pwede.

"Ano Liam? Kaya mo pa ba? Ang mahika na yan ang papatay sayo. Dadaloy iyan sa mga ugat mo patungo sa utak at puso at kalauna'y papatay sayo.", sigaw ni Samael habang tumatawa pa.

Naiiyak ako, wala man lang ako nagawa. Di ko man lang natulungan ang kuya ko. Di ko alam kung paano gamitin ang abilidad ko. Abilidad lamang ang meron pero sana man lang nagamit ko yon. Nagamit ko sana yon para iligtas ang kuya ko.

Abilidad kong magpasunod ng mga bagay ayon sa gusto ko, pero di ko alam pano gamitin ito dahil walang nagturo sakin. Itinago lang nila ako.

Nagulat na lamang ako nang maramdaman kong wala na kami sa lugar na iyon. Ginamit ni kuya ang mahika nya para ilayo kami. Nasa gubat pa rin kami ngunit sa ibang bahagi na, malayo kay Samael.

"Kuya..", sambit ko. Kitang kita ko ang mga ugat nyang nangingitim na. Naiiyak ako sa mga nakita ko.

"Bunso.. wag lang magalala kay kuya. Kaya ni kuya to." sabi ni kuya kahit halata namang nahihirapan na sya.

"Kuya naman e, tignan mo yang itsura mo! Kuya pakiusap wag ka mamamatay.", samo ko habang patuloy ang pag-agos ng aking luha.

"Wag kang magaalala bunso, nandito lang kami nila ama at ina sa tabi mo. Alam kong sasapit rin ang araw na ito na maiiwan kang magisa. Kaya tatagan mo ang loob mo.", naiiyak na sabi nya.

"Hindi kuya hindi ka mamamatay! Hindi mo ko iiwan!", hagulgol ko.

"Ikaw nalang ang aasahan namin bunso, ikaw lang ang makakapagligtas sa Arbelya. Ikaw na lamang ang natitirang Royal Family." sagot na kuya na napapaluhod na.

"Wag kang magalala, may sinabihan na kong tutulong at sasamahan ka pagdating ng takdang panahon. Ngayon, alaagaan mo ang sarili mo at maging matatag bunso.", tuloy nya.

May naramdaman akong presensyang hindi nalalayo sa amin. Papunta na rito ang mga Fuscus!

"Kaya ngayon ibibigay ko sa'yo ang nararapat para sa'yo. Magagamit mo ito sa takdang panahon. Ikaw ang magwawakas sa kasamaan sa ating mundo, ang natitirang myembro ng Royal Family."

Pagkatapos sabihin ni kuya ang mga iyon, itinapat nya ang kanyang kanang kamay sa noo ko. Nakaramdam ako ng mahikang sumanib sa buong katawan ko.

"Ibibigay ko na rin ang pangalan na karapat dapat sa iyo, namuhay kang walang pangalan kaya't humihingi kami ng tawad nila ama't ina sayo.", saad ni kuya.

Namuhay ako sa mundong ito na walang pangalan, hindi nila ako binigyan ng pangalan upang wala rin makahanap sa akin at makakilala. Lahat ito ay parte ng pagtatago ko.

Narinig namin ang pagtawag ni Samael. Nakita ko si kuyang gumawa ng isang lagusan.

"Magiingat ka aming bunso. magiingat ka..."

Bago pa man ako lamunin ng liwanag, narinig ako ang huling sinabi ni kuya na magpapabago sa buhay ko sa takdang panahon.

"Diana..."

Nagising ako sa isang kwarto, kulay puti lahat kahit ang higaan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala rin ako maalala, isang pangalan lang at alam ko kung sino yon.

Pero sino ako? San ako nagmula? Bat ako nandito?

*****

Thank you for reading!

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now