Preparation

469 18 1
                                    

Chapter 16

Diana's POV

Nandito kami sa auditorium. Kompleto ang geminus at nandito ang Head Teacher at Light Enchantress. Nakaupo kaming lahat at ang Head Teacher at Light Enchantress ay nasa harap.

"Nandito kayo para sanayin ang mga build at abilities ninyo. Hindi madaling kalabanin ang Winter Dragons at nahaluan pa ang mga ito ng itim na mahika. Kailangan ninyong hasain ang mga build at abilities ninyo.", saad ng Head Teacher.

"We're going to help you enhance your builds and abilities. You only have a week to---"

Napatigil sa pag-sasalita ang Light Enchantress nang bumukas ang pinto ng Auditorium. Napalingon kami sa likod at nakita ko ang pigura ng isang babae. Anong ginagawa niya rito? Sikreto ang misyon na 'to kaya't paano niya nalaman na nandito kami?

Naramdaman ko namang natigilan ang mga kasama kong geminus. Matalim itong nakatitig sa babaeng pumasok.

"Mabuti naman at nandito ka na. Nagsisimula pa lamang kami. Maupo ka.", rinig kong saad ng Head Teacher kaya't napalingon kami doon.

Ibig-sabihin ay pinapunta talaga dito ng Head Teacher ang babaeng ito? Narinig ko namang nagsalita si Caiele.

"What is she doing here?", malamig na tanong nito.

"Her ability is a big help for your mission. She's the strongest magus in diatriba.", sagot ng Light Enchantress.

"Are you saying she'll join us in the mission?", tanong ni Nikole.

Tumango ang dalawa. Naramdaman ko namang umupo sa tabi ang babae. Nilingon ako nito at ngumiti. Kabado akong ngumiti pa balik, naalala ko ang huli naming pag-uusap.

"So kasama ka rin pala Diana. Sorry nga pala sa nangyari sa'tin noon. Hope we can be friends?", saad nito at inabot ang kamay.

Kabado akong hinawakan ang kamay niya, "Ayos lang naman 'yon. Kalimutan nalang natin, R-rhaine..."

Si Rhaine ang babaeng pumasok. Hindi ko alam kung magkakasundo ba kami ni Rhaine at sabi ng iba dapat ko siyang iwasan. Pero bakit pakiramdam ko magaan ang loob ko sa kanya?

Naramdaman ko namang may humatak sa kamay ko. Nakita ko si Caiele na matalim na nakatitig kay Rhaine.

"Not her Rhaine, leave her alone.", malamig na saad nito.

Umikot ang mata ni Rhaine, "Hindi ba may Charlene ka na? Dalawa talaga ang pinalit mo kay---"

"Don't you even dare mention her name, Rhaine."

Kinilabutan ako sa naging boses ni Caiele. Galit ang mga mata nito. Sino ba ang pinaguusapan nila?

Nakita ko namang umirap si Rhaine. Babae ang pinaguusapan ng dalawa. May naging babae ba si Caiele bago pa si Charlene?

Napansin ko naman nakatitig sa akin si Caiele. Napansin nitong malalim ang iniisip ko. Pilit nalang akong ngumiti at umiwas ng tingin.

"We'll practice your build first. Diana, manood ka muna sa kanila. We'll practice your ability after this.", saad ng Head Teacher kaya't tumango ako.

Unang tinawag si Victoria. Paggamit palang ng abilidad ang nakita kong ginawa ng mga geminus. Ngayon ko lang makikitang gumamit ng build ang mga ito, pati na rin si Rhaine.

Itinaas ni Victoria hanggang dibidb ang dalawa niyang kamay. May lumabas na likido muli roon at nagawa niya itong palutangin sa ere. Hindi lang tubig ang nakikita ko kundi iba't ibang klase ng likido. pasayaw sayaw ito sa ere habang kinontrol ito ni Victoria gamit ang dalawa niyang kamay.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now