Ability

526 18 0
                                    

Chapter 8

Diana's POV

"ANO!?"

Tinakpan ko ang tainga ko dahil sa pagsigaw ni Friella. Ang lakas ng pagsigaw nito kaya linigay ko ang hintuturo sa aking labi para sabihing manahimik siya.

"Ayy sorry, pero seryoso nagawa mo iyon?",normal na ang lakas ng boses nito.

Tumango ako. Naikwento ko kasi sa kanya yung nangyari kanina sa auditorium kasama si Caiele at Sir Makker. Hindi ko alam kung bakit ganto ang reaksyon niya, kahit sila Sir Makker ay parang nagulat.

Kitang kita ko kung paano tumigil sa paggalaw ang pusa na nasa harapan ko. Ultimo balahibo nito ay di gumagalaw. Nagmukha itong statwa.

Tinignan ko sila Sir Makker, nakatitig ito sa pusa habang si Caiele naman ay seryosong palipat lipat ang tingin sa akin at sa pusa, palapit na rin ito sa gawi namin.

Pagkalapit ni Caiele ay nagsalita ito.

"I think I already know her ability, Sir Makker."

Nilingon ito ni Sir Makker, "Is that possible Caiele? It's my first time witnessing this kind of ability."

Ano ang sinasabi nila? Ano ang abilidad ko?

"Me neither.", sagot ni Caiele.

"Sandali lang po, ano pong meron? Alam niyo na po ba ang abilidad ko?", singit ko.

Lumingon ang dalawa sa'kin, nagkatinginan pa ito bago magsalita.

"Alam na namin kung ang ability mo Diana. San mo ba ito nakuha? Sino ang mga magulang mo?", tanong ni Sir Makker.

Natigilan ako sa tanong nito. Bakit niya tinatanong kung sino ang mga magulang ko? Na kahit ako ay hindi ko kilala kung sino. "Wala po akong magulang."

Nagulat ito sa sinabi ko. Si Caiele ay seryoso lang na nakatitig sa'kin, parang may malalim na iniisip. Ano ba ang abilidad ko at parang nabigla sila?

"May maaari bang nagpasa sa'yo nang abilidad mo?", tanong muli ni Sir Makker.

Umliling ako. Wala maaaring magpasa sa'kin ng abilidad dahil wala naman akong kilalang namatay na, hindi naman kasi ako taga dito.

"Are you really from chydaeus?"

Natigilan ako sa tanong ni Caiele. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya. Hindi ako taga chydaeus, hindi ako taga Arbelya, galing ako sa ibang mundo, pero paano ko ipapaliwanag iyon?

"O-oo.", si Friella lang muna ang pagtitiwalaan ko sa mundong ito. Hindi ko alam ang maaaring mangyari kapag nalaman nilang galing ako sa ibang mundo, ang mundong kasalungat ng mundong ito.

"Your ability is to manipulate according to your own will, but it's a bit different.", saad ni Caiele.

Kumunot ang noo ko. Alam kong may mga virtus na kayang kumontrol ng mga bagay pero ano yung iba sa'kin?

"Other virtus can only control certain things, like objects as long as it was not living.".

"But yours is different. You can manipulate non-living, but also living creatures.", dugtong nito.

Kaya ba naging statwa ang pusang ito kasi inutusan ko itong huwag gumalaw? Pati na rin yung higanteng pusa sa gubat? Kaya ba kahit parang gusto ako kainin non ay umalis lang ito na parang wala lang?

"Try it, make that cat move.", biglang sabi ni Caiele.

Nilingon ko ang pusa, hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalw ito. Tinitigan ko ito at sinubukan kontrolin.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon