Chydaeus Attack

397 14 11
                                    

Chapter 29

Friella's POV

Nakatingin ako ngayon kay Markell, na ngayon ay nakatingin kay Diana.

Hindi ko naman inaasahan na mahuhulog ako. Na mapapamahal ako sa kanya, kahit may mahal siyang iba.

Alam ko nung una na hindi niya ako mapapansin, kasi kahit ako noong una ay walang pakialam sa kaniya.

He loves my bestfriend, I know that, pero nahulog pa rin ako.

Kasi ba lagi kaming magkasama?

Nakakainis lang, ako yung nandiyan kapag nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil sa ibang tao, habang ako ay nasasaktan dahil nasasaktan siya.

"Ang sakit Friella. Bakit umaasa pa rin ako kahit alam kong iba ang gusto niya?"

Ako ang nakikinig sa mga pagiyak niya, sa mga rants niya.

"Susugal pa rin ako. Kahit walang pag-asa ay susugal pa rin ako, para kay Diana.."

Sana ako na lang si Diana. Sana ako nalang ang mahal niya. Sana ako nalang ang mahal ni Markell.

Hindi ko rin naman magawang magalit kay Diana dahil hindi niya kasalanan 'yon. Kasalanan 'to ng mga lintek na puso namin. Bigla na lamang nahuhulog sa maling tao.

I even saw them kissed. Nakita ko sila na naging dahilan ng pagguho ng mundo ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Kitang kita ang kalungkutan sa mga mata ni Markell. Kalungkutan na makita ang mahal niya na may kasamang iba.

Linapitan ko ito at kinalabit. Lumingon ito sa akin at hindi pa rin nawawala ang sakit sa mga mata nito.

"Okay ka lang?", naninikip na ang dibdib ko.

Ngumiti ito pero halatang peke iyon, "Ayos lang. Bakit mo natanong?"

"Kanina ka pa kasi nakatitig kay Diana."

Napayuko ito at napakagat ng labi. Maya maya ay nagangat ito ng ulo para tumingin sa akin, ngumiti ito.

"Let's dance?"

Natigilan ako sa sinabi nito. "A-ano?"

Napatawa ito nang mahina, "Sayaw tayo."

Hindi na niya ako inantay na makasagot. Hinatak niya agad ang kamay ko at pumunta sa sayawan. Nanigas ako dahil sa paghawak niya ng kamay ko.

"Hey Friella. Ayos ka lang?"

Bumalik ako sa wisyo nang magsalita ito. Kukunin ko sana ang kamay ko nang hinigpitan niya ito. Kunot noo akong napatingin sa kanya.

"Sasayaw tayo diba?", saad nito at ipinatong ang kamay ko sa balikat niya. Naramdaman ko namang hinawakan nito ang beywang ko at ang isang kamay niya ay sa isang kamay ko.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sumabay lang kami sa ritmo ng musika. Sana hindi na matapos ang gabing 'to.

Napayuko at napangiti. Ramdam ko ang pamumula ko. Sana laging ganito. Inangat ko ang ulo ko para magsalita.

"Markell--"

Napatigil ako nang makita ang mga mata nito. Nasaktan ako nang mapagtanto kung saan ito nakatingin. Unti unting nawala ang ngiti ko. Ako ang kasama niya, ako ang kasayaw niya, pero ang mata at isip niya at na kay Diana.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya kaya nagulat ito. Pilit ko siyang nginitian.

"Mamaya na lang siguro. Nakakangalay pala.", saad ko at nagtungo sa kinauupuan ko kanina.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now