Geminus

516 20 2
                                    

This is a long update. Enjoy reading!

*****

Chapter 6

Diana's POV

Nakatitig ako sa limang taong nasa harapan namin ni Friella. Tatlong lalaki at dalawang babae ito. Pinagtitinginan rin kami ng mga studyante kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hi! You're the new girl right? Diana?", tanong ng isang babaeng kulay abo ang buhok.

Tumango na lamang ako. Ganto ba talaga dito? Kilala agad pag may bago? Kahit mga geminus?

"Ikaw yung babae kila Manang Fransica right?", tanong nung lalaking kulay kayumanggi ang buhok.

"Manang Fransica? Si Mama?", biglang tanong ni Friella. Napalingon ako dito. Ina niya si Tita Fransica?

"Oo Friella. Nakita namin siyang nagtitinda sa tindahan niyo.", saad ng lalaking kulay blonde ang buhok.

Naalala ko na. Itong dalawang lalaki yung bumili sa tindahan ni Tita Fransica.

"I'm surprised that day cause she can understand English. I mean she's from chydaeus. By the way I'm Eros Caeli, and you're really pretty swear.", nakangiting saad ng lalaking blonde. Hinampas naman ito ng babaeng nagsalita kanina.

"Lumalandi ka na naman Eros."

"Sorry na, maganda ka rin naman e.", natatawang sabi ni Eros.

Inirapan lang siya nito. "Hi, My name is Nikole Quino. Don't mind him, he's a jerk."

"I'm not, don't believe her Diana.",

Ngumiti na lamang ako napalingon ako sa lalaking nakatitig sa akin. Kulay itim ang buhok nito at meron itong mga asul na mata, pansin ko rin na ito ang pinakamatangkad sa kanila. Napansin ko ring pamilyar ang mga titig nito.

Napalingon naman ako sa nagsalita, "I'm Ethan Woodz, I'm with Eros that day.", saad ng lalaking blonde.

"Hi! I'm Victoria. Victoria Angeles. Hope we can be friends.", saad ng babaeng maikli ang buhok na kulay rose gold.

Napalingon naman ako sa lalaki kanina. Lumingon din ang mga kasamahan nito at inantay na magpakilala. Tinitigan ako nito at nagsalita.

"Caiele."

Napatango na lamang ako. Mukhang suplado ang isang ito. Ibang iba kay Eros na maingay at madaldal.

"He's Caiele Salguero. Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga siya.", saad ni Nikole at tinapik si Caiele, hindi siya nito pinansin.

"Kakain na kami Diana, Friella. Welcome sa diatriba.", saad ni Eros at umalis na silang lima.

Napatingin naman ako kay Friella. Tila nagulat pa ito na kinausap kami limang iyon.

"Anong nangyari sa'yo Friella?", takang tanong ko.

"Hindi mo ba sila kilala Diana?"

Kumunot ang noo ko. "Bago lang ako dito Friella. Pano ko sila makilala?"

"Sabagay, sila nga pala ang geminus.", sagot nito.

Lumaki ang mata ko. "Sila yon?"

Tumango ito, "Oo sila yon. Nagulat nga ako at nagpakilala sila sa'yo."

Napalingon ako sa lamesa ng mga geminus, nakaupo sila doon at nagaantay ng inorder nilang pagkain. Pero big deal ba na magpakilala sila sa'kin? Hindi ba sa lahat ng bago nagpapakilala sila?

"Hindi ba sila nagpapakila sa mga bago?"

"Hindi, halos hindi nga yan nakikipagkaibigan yang mga yan e."

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang