The Villain's Progeny

433 16 0
                                    


Chapter 22

Diana's POV

Nagsilabas na kami sa palasyo. Nanigas ako sa mga nakita ko. Nagkakagulo na ang mga sirena. Ang iba sa kanila ay katulad na nung nilalang kanina, ang iba naman ay nagkakaroon palang ng itim na ugat. Napatingin ako sa gawi ng isang isang sirena, kagat ng isang mukhang shokoy ang leeg nito at lumabas na lamang ang mga itim na ugat. May zombie apocalypse sa ilalim ng dagat!?

Napansin ko namang may lumapit sa'min. Ito yung nakasagutan ni Victoria kanina, Aquany ata ang pangalan nito. Hinihinghal itong lumapit sa amin.

"Queen, they're too powerful. Kapag may napapatay sila, nadadagdagan ang kakampi nilang. We're outnumbered.", kinakabahang saad nito.

Huminga nang malalim si Queen Nami. Hindi ako kailanman nakakita ng zombie apocalypse sa mundo, at kahit kailan ay hindi ko naisip na makakita ng ganoon dito sa ilalim ng tubig.

"Don't worry Queen Nami. We're here to help.", saad ni Nikole. Tumango kaming lahat. Oras na para lumaban kami.

"Guys, since we can't use our build to beat this ugly creatures. The Light Enchantress give me something that we can use to fight against them. It might help daw dahil may nakita siyang maaaring mangyari. Here, take this.", biglang sabi ni Nikole at pinakita ang isang puting supot.

Binuksan niya ito nakita namin ang pitong nagliliwanag na bilog. Iba iba ang kulay nito at tumutugma sa mga bundot namin ngayon.

"These are our weapons, pero hindi ito normal na weapon lang dahil may mga mahika ito na may koneksyon sa mga build natin. Nagtataka lang ako tungkol kay Diana dahil wala naman siyang build dahil isa siyang virtus.", paliwanag ni Nikole. Napakagat naman ako ng labi, hindi nila alam na may build ako. Pero paano 'yon? Tatlo ang build ko.

Kinuha na namin ang mga abyss na kasing kulay ng bundot namin. Iyon din ang sinabi ni Nikole. Kinuha ko ang gintong abyss, si Victoria at kinuha ang kulay rosas, kulay pilak naman ang kay Rhaine, asul ang kinuha ni Eros, si Ethan naman ay kinuha ang kulay berde, kay Caiele ay puti, at natira kay Nikole ang kulay dilaw.

Namangha ako nang magliwanag ang mga abyss. Nabigla ako nang may magtangkang lumapit sa amin na mukhang shokoy pero nilabanan agad 'yon ni Aquany. Nang nawala ang liwanag ng mga abyss ay namangha ako sa nasaksihan.

Hawak ngayon ni Eros ang isang asul na double blade axe. Mahaba ang kulay asul na tubo nito at sa dulo nito ay dalawang patalim na magkabilaan

Isang kulay rosas na staff naman ang hawak ni Victoria, isa itong mahabang tubo pero may blade ito sa magkabilang dulo.

Si Rhaine ay may hawak na isang kulay pilak na whip, isa itong mahabang lubid at may isang hawakan sa dulo, namangha ako nang may lumabas na blade sa buong lubid.

Hawak ngayon ni Ethan ang isang flail, may kulay berdeng bakal itong hawakan sa dulo at kadugtong non ay isang kadena at may bilog na pinalilibutan ng patusok sa pinakadulo nito.

Si Nikole naman ay may hawak ng isang dilaw na crossbow. Nagtaka ako dahil nasa ilalim kami ng tubig at mahirap ang long range weapon dito. Nagulat ako nang tinira niya sa buntot ang isang mukhang shokoy at natamaan ito, sinunod nito ang noo kaya't naglaho ito. Bigla namang nagkaroon ng panibagong palaso ang ito.

Dalawang mahabang espada ang hawak ni Caiele. Kulay puti ang hawakan nito at kumikinang ito dahil may mga dyamante na nakadikit doon.

Hawak ko ang dalawang ginintuang chakram. Bilog ang hugis nito at blade ang nasa panlabas na bahagi ng bilog. Malaki ito at may hawakan sa gitna.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now