New Dorm

502 17 0
                                    

Chapter 11

Diana's POV

"You'll move to the geminus."

Natigilan ako. Hindi pa lubos na pumapasok sa isipan ko ang sinabi ng Head Teacher. Sinasabi ba nitong titira ako sa mga geminus?

"P-pwede po bang pakiulit?", tanong ko. Malamang namali lang ang pandinig ko.

Huminga ito nang malalim bago magsalita, "Lilipat ka sa mga geminus."

Nalaglag ang panga ko. Seryoso ito na maninirahan ako kasama ang mga geminus.

"Bakit naman po? Bakit sa mga geminus pa?", takang tanong ko.

Kumunot naman ang noo nito, "Bakit? May problema ka ba sa mga geminus?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko, "W-wala naman po. Nagtataka lang po ako bakit sa dorm pa ng mga geminus ang lilipatan ko. Hindi naman po ako isang geminus."

Naalala ko na naman ang insidente kanina. Hindi lang ba akong isang virtus? Isa rin ba akong gemimus?

"Hindi ka nga isang geminus. Isa kang virtus ngunit hindi lamang isang normal virtus. Kakaiba ang abilidad na meron ka kaya kailangan kang protektahan.", saad nito.

"Kung ganoon po ay mga geminus ang poprotekta sa'kin?", ganoon ba kalakas ang abilidad ko at mga geminus pa talaga?

"Maaaring ganoon nga. Kung kasama mo ang mga geminus ay magagawa ka nilang protektahan.", sagot nito.

"Pero po baka kung ano---"

"No buts, Ms. Diana. You'll moving to the geminus and that's final. Nailipat na rin ang mga gamit mo."

Lumaki ang mata ko. Bakit ang bilis naman? Habang papunta ba ako dito nililipat na nila ang gamit ko? Kahit tumanggi ako ay wala akong magagawa?

"You may leave now. Dumiretso ka na sa mga geminus."

Paano si Friella? "Maaari po bang puntahan muna ang roommate ko?"

Tumango ito. Lumabas na ako ng opisina. Kahit gustuhin kong umangal ay wala na akong magagawa. Hindi naman talaga sa ayaw ko kasama ang mga geminus. Iniwasan ko si Caiele nang isang linggo tapos bigla ko siyang makakasama sa isang bubong?

Pumunta ako kay Friella. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko itong nakaupo at tila'y malungkot. Nilingon ako nito at pilit na ngumiti. Linapitan ko ito at yinakap.

"Kainis ka naman. Lagpas isang linggo pa lang tayo magkasama tapos iiwan mo na agad ko.", saad nito.

"Hindi ko naman gusto umalis Friella.", sagot ko. Kumalas kami sa yakap.

"Alam ko. Pero nakakainis pa rin. Bakit kasi kakaiba ang ability mo?", nakangusong saad nito.

"Hindi ko rin alam Friella. Pero wag kang magalala kasi parehas naman tayo ng combat class."

Saglit itong nagisip, "Tingin ko sa class ng mga geminus ka na aattend Diana."

Kumunot ang noo ko, "Bakit naman?"

"Ano pa ang sense kung sa kanila ka titira kung hihiwalay ka naman tuwing may klase?", saad nito.

Natahimik ako. May punto ang mga sinasabi nito. Kung gayon ay buong araw ang mga geminus ang kasama ko?

"May lunch pa naman. Sabay ka samin ni Markell maglunch a?", nakangiting saad nito.

Nagkwentuhan muna kami ni Friella. Gabi na nang natapos kami kaya nagmadali akong pumunta sa mga geminus. Ang problema lang ay hindi ko alam kung saan ang dorm ng mga geminus. Nakalimutan kong magtanong kay Friella kanina. Saan ako pupunta ngayon?

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now