Crustallus

465 15 2
                                    

Chapter 17

Diana's POV

Nakita ko ang sarili sa isang lugar na nagyeyelo. Medyo masakit pa ang ulo ko pero natitiis ko naman. Kumuha ako ng jacket sa bag at sinuot 'ton. Pinagkiskis ko ang aking dalawang palad dahil ramdam ko ang panginginig nito. Nakita ko naman ang mga kasamahan ko na mga nakaayos na.

Nagyeyelo ang buong lugar. Masyado ring malakas ang hangin kaya nahirapan kaming maglakad. Saan ba kami papunta?

"Saan ba tayo patungo?", tanong ko. Kanina pa kami naglalakad pero wala naman akong nakikita kundi mga punong nagyeyelo at hinahangin.

"We have to find the place where the Winter Dragons lives.", saad ni Caiele.

"Pero inatake na iyon ng fuscus. Imposibleng nandoon pa rin ang mga nakatakas na Winter Dragons.", sagot ni Nikole.

"Yes, pero ang dapat nating unang puntahan ay ang tirahan nila, doon ay magkakaroon tayo ng lead.", sagot ni Ethan.

Tumango kaming lahat. Nagpatuloy kami sa paglalakad at ramdam na ramdam ko ang lamig. Nakapunta na ako sa mga nagyeyelong lugar pero ibang klase ang lamig dito.

Tinakpan ko ang leeg ko gamit ang mahaba kong buhok, pero walang silbi 'yon dahil pati buhok ko ay naninigas na sa lamig. May naramdaman na lang akong telang pumulupot sa leeg ko.

Napalingon ako sa gumawa non. Nakita ko si Caiele na inaayos ang balabal sa leeg ko. Nang matapos siya ay tumingin ito sa'kin, napansin ko namang wala siyang suot na balabal, kanya ba 'to?

"Paano ka? Malalamigan ka rin.", tanong ko.

Hinawakan nito ang balikat ko at pinalapit sa kanya. Tumitig sa'kin ang abong asul nitong mga mata. Nanigas ako, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa titig niya.

"I'm okay, don't worry about me.", saad nito.

Kahit nahuhumaling ako sa titig niya ay nagawa kong sumagot, "S-sino may s-sabing nag-aalala ako s-sa'yo?"

Nagdilim ang mukha nito, nakaramdam tuloy ako ng kaba. Mukhang hindi magandang ideya na sabihin ko 'yon.

Mas lalo akong nanigas nang kagatin nito pang-ibabang labi, namutla ako nang lumapit ito sa tainga ko at bumulong.

"I'm mad, but that's fine. You'll worry about me soon, soon babygirl. "

Umuwang ang labi ko sa sinabi nito. Hindi ako makapagsalita. At ano 'yong tinawag niya sa'kin?

"Anong tina---"

"Parang may nakikita ako banda roon."

Napalingon kami sa tinuro ni Victoria. May pigura ng isang nilalang kaming nakikitang hindi gaanong malayo sa kinaroroonan namin. Lumapit kami rito at nakita ang isang malaking nilalang. Mahaba ito na parang ahas ngunit may pakpak. Kulay puti ito at may mga linyang kulay asul. Ito na ba ang Winter Dragon? Pero bakit parang nangingitim ang mata nito? Napansin ko rin ang mga ugat nitong itim na halos lumabas na.

"Iyan ba ang Winter Dragon? Bakit parang nakakatakot naman yung mata niya?", taka kong tanong sa mga kasama ko.

"Ganyan ang itsura nila pero wala ang itim na mata at mga ugat na itim.", sagot ni Nikole.

"Sinasabi mo bang isa ito sa mga nakontrol ng mga fuscu---"

Bigla na lamang umatake ang dragon sa kinaroroonan namin. Mabilis ito pero nagawa naming umilag.

Isa lang ito at pito kami, pero walang binatbat ang laki namin dito. Binuka nito ang bunganga at nagulat ako nang may lumabas doon itim na yelo. Bigla na lamang nitong pinalabas ang yelong iyon papunta sa'min, pero bago pa lamang tumama ay nakagawa agad ng lazer shield si Caiele.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon