Full Moon

657 22 0
                                    

Chapter 2

Diana's POV

Isang linggo na ang lumipas. Linggo ngayon at kinabukasan ay birthday ko na. Sinabihan na rin ako ni Angel na after ng klase ay diretso kami sa bahay nila. Sabi niya magsleep over daw kami sa bahay nila at sabay kaming pumasok sa school sa Martes. Nagsabi nga ulit sa kanya na wag nalang pero nagpumilit pa rin siya. Kailangan ko pa magpaalam kay Tita Icy.

Nandito kami sa bahay kasama si Tita Icy at Thylane. Nagwawalis at naghahanda na magpaalam kay Tita.

Lumapit ako kay Tita, naghahanda na magpaalam. Di naman kasi ako nagcecelebrate ng birthday ko. Magdadagdag lang sila sa sahod ko pero di ko naman ginagamit yon para magcelebrate ng kaarawan.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. Nilingon naman ako ni Tita.

"May sasabihin ka ba Diana?", tanong niya nang lumapit ako.

"Tungkol sa bukas lang po ta.", saad ko.

Kumunot ang noo ni Tita. Maya maya lamang bumuka ang bibig nito na para bang may naalala.

"Naku oo na pala, birthday mo na pala bukas. Bibigyan na lang kita ng karagdagang sweldo bukas. Pero diba 18th birthday mo na?", saad nito.

"Ahh opo Tita.", nahihiya kong sabi.

"Maghanda na tayo. Sa walong taong paninirahan mo rito kahit kelan di ka naghanda. Kahit ngayong 18th birthday mo na lang.", tuloy tuloy na sabi nito.

Magsasalita na sana ako nang marinig kong may sinabi si Thylane.

"Mom, nasanay na si Diana na hindi nagcecelebrate. No need na maghanda pa. Anong pinagkaiba ng 18th birthday sa nakaraan niyang mga birthday?", mataray na saad nito.

"Iba ang debut nak. Nung debut mo nga ang dami nating hinanda nun. Naka gown ka pa nga.", sagot ni Tita anak.

"Mom iba yon. Anak mo ko. Katulong natin si Diane. Why waste our money to a maid? Just give her additional salary.", mataray na saad ni Thylane at pumunta na sa kanyang kwarto.

Napabuntong hininga si Tita Icy. Ngumiti na lamang ako.

"Pasensya ka na talaga kay Thylane iha a. Di ko alam kung bakit parang sobrang galit siya sayo.", sabi ni Tita Icy sa kin.

"Ayos lang naman po ta. Tama naman po si Thylane, sayang po sa pera kung maghahanda pa ko. Tsaka po magcecelebrate kami ng kaibigan ko. Kaya po sana magpapaalam ako na hindi po muna ako uuwi bukas kasi magsisleep over po ako sa bahay ng kaibigan ko.", sabi ko kay Tita.

"Nako sige lang Diana. Mabuti naman at may kaibigan ka na. Nagaalala nga ako sayo kasi simula nung nakita ka namin sa kalsada nun ay wala ka man lang naging kaibigan. Bibigyan na rin kita ng karagdagang sweldo, regalo ko ulit sayo.", sagot ni Tita habang nakangiti.

Nagpasalamat ako kay TIta at nagpatuloy sa paglilinis ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanila kasi sila ang umampon sakin. Kahit minamalditahan ako ni Thylane ay di ko nalang pinapansin kasi kung wala sila, baka di rin ako nakakapagaral ngayon.

Hindi naman ako legal na inampon nila. Kaya nga wala akong apilyedo e. Nagising na lamang ako nun na nasa hospital.

flashback

8 years ago...

Nagising na lamang ako sa isang kwartong purong puti. Kahit ang hinihigaan ko ay kulay puti. May nakatusok din sakin na may tubo na may at dun umaagos ang parang tubig mula sa lalagyanan nito. Nakasuot din ako ng ternong pajama.

Luminga linga ako sa paligid. Nagiisa ako sa kwarto. Nagbalak akong lumabas nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa nito ang isang matandang babae kasama ang isang batang babae na sa tingin ko ay kasingtanda ko.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now