I Look At You

494 13 0
                                    

Chapter 9

Diana's POV

"Si Caiele kasi ang magtuturo sa'kin, Charlene. Sorry di ko nasabi.", saad ko.

Pilit na ngumiti si Charlene. "Mauuna nalang siguro ako Diana."

"Huh? Bakit?", takang tanong ko.

"Naalala ko kasi na may gagawin pa ko. Una na ko.", saad nito at umalis na agad.

Napalingon ako kay Caiele. Hindi man lang niya ba hahabulin ito? "Sundan mo kaya?", saad ko.

Kumunot ang noo nito, "Why would I?"

"Hindi ba kasintahan mo 'yon?", saad ko.

"Saan mo naman napulot 'yan?"

"Mukha kayong magkasintahan e."

"She's not my girlfriend.", sagot nito at dumiretso sa auditorium.

Hindi? Bakit kung magturingan sila ay parang magkasintahan?

Sumunod ako kay Caiele papasok ng auditorium. Nakita ko itong nakatayo sa gitna kaya't pinuntahan ko agad ito.

"Seryosong hindi kayo ni Charlene?", ewan ko pero parang natutuwa ako na sinabi niyang hindi sila ni Charlene.

Kumunot ang noo nito, "I'm starting to think that you're happy that she's not my girlfriend."

Natigilan ako, nahalata ba niya? Hindi ko nga alam kung bakit parang natutuwa ako e.

"May kasintahan ka?", tanong ko ulit.

"None.", tipid na sagot nito.

Sa itsura nito wala itong kasintahan? Gwapo ito kaya nakakapagtaka kung wala itong karelasyon. "Bakit wala?"

"I'm fulfilling a promise."

Napatahimik ako. Ibig sabihin ay may napangakuan na ito. Nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib.

Nagsimula na kami magsanay ni Caiele. Una niyang pinagawa sa'kin ay ang pagalawin ang isang panulat. Matagumpay na nagawa ko naman itong pagalawin at kontrolin. Sunod naman ay ang isang aso, may kahirapan ito dahil may sarili itong pag-iisip pero kalaunan ay napasunod ko ito. Akala ko ay mahihirapan ako sa paggamit ng abilidad ko pero ngayong ginagamit ko na ito ay wala akong naramdamang hirap.

"That's wierd, you've mastered your ability in just a short period of time.", saad ni Caiele.

Huh? Madali lang naman talaga magsanay ng abilidad. "Hindi ba't lahat ng taga dito'y mabilis lang naman mag sanay ng abilidad?", tanong ko.

Umiling ito, "A virtus takes years to fully master his or her ability."

Years? "Ilang years?"

"2 to 10 years."

Dalawa hanggang sampung taon? Bakit parang ang dali lang naman nung ginagawa ko?

"I'm starting to get curious about you Diana.", seryosong saad nito.

Napalunok ako. Napapansin ko rin na may kakaiba sa'kin. Noong una ay bakit may abilidad ako pero galing ako sa ibang mundo. Pangalawa ay hindi ordinaryo ang naging abilidad ko, mas malakas ito sa mga pangkaraniwang virtus. Panghuli ay itong sobrang bilis kong matuto sa paggamit ng abilidad.

"Any ways, let's call it a day. Be ready for tommorow. You're done manipulating things and animals. Let's try humans."

Kumunot ang noo ko, "Sino ang kokontrolin ko? Hindi ba't sabi mo bawal malaman ng ibang tao ang abilidad ko?"

Tumango ito, "That's why you'll be controlling me."

Lumaki ang mata ko, "Baka mapahamak ka pa. Alam mo namang di pa ko sanay sa pagkokontrol ng tao. Naalala mo naman yung nangyari kay Sir Makker."

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now