"Uy tanongin mo 'bakit'"


Nang hindi ako sumagot ay tumikhim siya at nagpatuloy sa kaniyang kahibangan. Mabilis akong nakaakyat at natunton ang pintuan ng aking kuwarto.


"Kasi gusto kitang i-uwi tapos ipagmalaki kay mama. Boom! Saide boom! Sadie! Sadi—"


Isinara ko ang pintuan at kinain ng pader ang boses niya. Napangisi ako nang makita ang kama kaya ipinatong ko ang aking bag sa upoan bago padapang humiga sa kama. Hindi naman kami pumasok ng lab ngayon kaya ayos lang na hindi ako maligo bago matulog. Mamaya nalang pag gising ko at antok na atok na ako.


Alas dos nang mag mulat ako ng mata. Dalawang oras ang naging tulog ko at medyo masakit pa ang ulo ko pag gising. Nagpahinga ako sandali sa kama bago nagpasyang maligo. Hayun at napako na naman ang tingin ko sa aking peklat na walang kasing pangit.


Sinubukan ko namang gamitan ito ng mga sabon, lotion, ointment o kung anu-ano noon pero hindi siya naalis. Siguro kung ipapa scar laser ko ay may pag-asa pa itong mawala pero ayokong may makakita nito maliban kay nanay Ida.


Speaking of nanay Ida, namimiss ko na siya. Hindi ko na siya napapadalhan nitong mga nakaraang araw ah. Kamusta na kaya siya sa Maynila? Dibale, sabado bukas at padadalhan ko siya. Naligo na ako at nagsuot ng army green na turtle neck long sleeves at black leggings. Hanggang sa ilalim ng puwet nagtatapos ang damit ko kaya ayos lang na mag leggings ako.


Naramdaman ko ang pag kalam ng sikmura ko dahil sa gutom kaya't dali-dali na akong bumaba para kumain. Narinig kong nag-uusap sina Sage kasama ang mga kabanda niyang dumating na pala bukod kay Vincent. Dahil madadaanan ang sala papuntang kusina ay hindi maiiwasang matuon sa akin ang atensiyon nila habang nag-uusap.


Nakita kong hinampas ni Sage ng diyaryo ang ulo ni Vincent at nagtawanan sila bago ako tuluyang makapasok ng kusina. Naghanap ako ng makakain at hinayaan ang mga maids na dalhin ito sa lamesa. Kumain ako ng madami dahil gutom talaga ako, nang matapos ay bumalik ako sa sala.


"Nakita mo ba 'yung babae?"


"Hindi, pero si tita Paula galit na galit. Hinahanap si Luke,"


"Oh anong sabi mo?"


"Sabi ko baka nasa kuwarto lang, nagpapa pogi."


Humalakhak sila sa sagot ni Andrei at napatingin ulit sa akin. Pinagtaasan ko sila ng kilay.


"Hi Sadie!" Bati ni Andrei.


Ngumiti at tumango si Ricci habang kinindatan naman ako ni Vincent. Walang gana ko silang tinignan bago tinalikuran at muling umakyat sa kuwarto. Mag-aaral pa ako.


Kinabukasan, nandito na naman si Vincent. Nakabihis ako ng high neck white shirt at black jeans dahil mag-go-grocery ako ngayon para kay nanay Ida. Nakabihis rin si Vincent na animo'y may lakad kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.


"Sabi ko na nga ba gusto mo akong maka date e,"


Inirapan ko siya at diretsong naglakad palabas.


"I think I can make you happy Sadie,"


"Why? You're leaving?"


"Damn."


Ngumisi ako at pinatunog ang mercedes ko bago binuksan, "Uy teka san nga punta mo? Sama ako!"


Binuhay ko ang makina matapos kong isara ang pinto. Humarang naman siya sa harap habang nagmamakaawa akong tinitignan. Tinted ang sasakiyan pero alam niya kung nasaan ang mga mata ko.


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now