Halos ihagis ko na ang cellphone ko sa kung saan bago agad na tumayo at tingnan ang kalendaryo. At tama nga siya, anak ng tinapa. Birthday ko pala ngayon.

Nakalimutan ko. Ampoknat!

Imbes na bumalik sa kama ko, nag-ayos na lang ako ng sarili. Ginawa ko na ang morning ritual ko bago bumaba sa sala.

At gaya nga ng inaasahan ko, naabutan ko lang si mommy at Daphne na naghahanda ng pagkain. Napangiti ako. Masaya talagang gumising sa umaga kung sila ang maabutan mo.

"Good morning beautiful ladies!" Dinampian ko naman ng marahang halik ang noo ng dalawang babaeng una kong minahal.

"Happy birthday Ate!" Daphne kissed my forehead.

Nakangiting niyakap ko lang siya sa likod niya at bahagyang ginulo ang buhok niya. Nakatanggap naman ako ng kurot sa braso at irap. Napatawa tuloy ako. Napaka taray talaga ng babaeng ito.

"Happy birthday Vanessa." my lips curved into a genuine smile when she kissed my forehead. Walang pag-aatubiling pinugpog ko ng halik si mommy sa buong mukha niya dahilan para tawanan niya lang ako.

Okay na. Isa na lang ang kulang.

Tss. Masaya na naman siguro yun sa bagong pamilya niya. Pero sana, maalala niyang kaarawan ngayon ng panganay niya.

"What's your plan ate?" Daphne asked

I just shrugged and take a sipped in my coffee. "Wala"

Para naman silang ewan na grabe makatingin sa'kin. May nasabi ba kong mali? "Wala?" Daphne asked, wondering.

This time, ako naman ang napakunot ang noo ngayon. Saglit ko lang nilunok ang tinapay na nasa bibig ko bago siya sagutin. "May dapat ba kong gawin?" I paused. "Ah, papasok sa opisina. Uupo sa swivel chair. Makikipag meeting sa board members and clients." simpleng sagot ko

Kroo... Kroo.. Kroo...

Ano ba talagang nangyayari sa kanila? May nasabi ba kong mali? Tama lang naman ang sinabi ko  ahh. Sa pagkakaalam ko, wala namang mali dun.

"Are you serious ate?" tila hindi makapaniwalang tanong sa'kin ng kapatid.

"Oo naman." I sighed. "Bakit ba?"

Sa pagkakataong ito, si mommy na ang sumagot. "Well, nakakapanibago lang. Dati gusto mo laging magpaparty tuwing birthday mo." She take a sipped in her tea. "Akalain mong wala ka atang balak magpaparty ngayon." she added

Napatawa naman ako. Kaya naman pala ganun ang tinging binibigay nila sa'kin. "Nakakasawa ang puro party mom. Mas gusto kong magpahinga lang o kaya naman asikasuhin ang mga dapat na asikasuhin." I replied, smiling at her.

Isang matamis na ngiti lang ang tinugon sa'kin ni mommy. Napangiti na lang din ako bago ipagpatuloy ang pagkain. Saglit lang din kaming nagsalo-salo sa hapag bago tuluyang natapos.

At kagaya ng lagi kong ginagawa, hinatid ko muna si Dap sa school bago tuluyang dumeretso sa kumpanya ko.

"Happy birthday Ms. Owens!"

Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Aaminin ko, sobra akong nagulat at kasabay nun ay ang pagtunaw ng puso ko. Hindi ko inaakala na ganito ang bubungad sa'kin pagkapasok na pagkapasok sa loob ng kumpanya ko.

"Maraming salamat sa inyo." napatawa pa ko ng mahina dahil sa conffeti na nasubo ko. Jusme.

At dahil sa araw ko ngayon at nag-abala sila, nagpa-order lang ako ng madaming pagkain nila. Halos kabilaan ang bumabati sa'kin habang papunta ako sa opisina ko.

AddictedWhere stories live. Discover now