Sabay naman kaming napatawa ni Lachesis habang si Athena ay nagsumiksik lang sa leeg ng asawa. Napailing na lang ako. Kaya naman pala parang linta kung makadikit sa asawa, may punla na ulit. Hay nako.

"Hey Dike" napatingin naman ako sa gitarang inabot niya sa'kin. Nakangiting kinuha ko na lamang ito.

Na-miss kong humawak ng ganito.

"Good luck" Athena said, smiling genuinely at me

I gulped and smiled back. "Thank you girls. I owe you two."

Lachesis tapped my shoulder while her wife which is my friend kissed my forehead. "You always got my back Owens."

Napangiti ako.

Kahit hindi kami ang nagkatuluyan sa huli, masasabi kong napaka swerte ko parin at naging parte siya ng buhay ko. Madami akong natutunan sa kanya na mas lalong nagpahubog ng pagkatao ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na naging magkakaibigan kaming lahat.

"You gotta go Dike. Nandun na siya." and again, she tapped my back.

Niyakap ko lang silang dalawa bago agad na pinuntahan ang babaeng labis kong minamahal.

At ayun nga siya, nakatayo lang at matamang nakatitig sa madilim na kalangitan na sa tingin ko ay pinagmamasdan ang mga nagkikislapang bituin. Napahigpit ang hawak ko sa gitara at jacket na dala ko.

Bigla akong nilamon ng kaba. Bwisit na yan.

Isinukbit ko lang sa balikat ko ang gitarang hawak ko bago dahang-dahan na lumapit sa kanya. Kinakabahan man, nagawa ko paring lumapit sa kanya. Marahan kong pinatong ang jacket sa balikat niya dahilan para gulat siyang mapalingon sa'kin.

Napangiti ako. Even after all this time, I still feel butterflies in my stomach every time I see her.

And damn! She's the most gorgeous girl ever.

"Dike? You're here?"

I chuckled and kissed her forehead. "No darling, picture ko lang 'to."

She just rolled her eyes at me. "Edi wow."

Tuluyan na kong napatawa ng malakas. Diba, napaka suplada niya. Pero ang supladang yan, mahal na mahal ko yan.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nakatuon lang ulit ang pansin niya sa mga bituin na nasa kalangitan habang ako, matamang pinagmamasdan ko lang ang nagsisilbing mundo ko.

"Ang ganda ng mga bituin ano?" she said

I nodded, still staring at her. "Yes" I paused. "Pero mas maganda ang mundo ko."

Kunot noong nilingon naman niya ko. Napakagat na lamang ako para pigilan ang sariling mapangiti. Nakakainis ah. Napaka ganda niya masyado.

"Umaariba na naman yang kaharutan mo sa katawan."

I laughed hard. The hell. Kaharutan talaga? Hindi ba pwedeng nagsasabi lang ako ng totoo? Grabe talaga siya sa'kin. 

Napapikit naman ako para damhin ang malakas na hangin.

"Dike"

Agad akong nagmulat at mabilis na lumingon sa kanya. "Hmm?"

Isang ngiti lang ang ginawad niya sa'kin bago ibalik ang tingin sa kalangitan. Nakangiting napailing na lang ako. Minsan talaga, kinikilig ako sa kakaibang paraang ginagawa niya. Akalain mong isang simpleng ngiti lang yun, pero halos magdiwan na ang laman loob ko.

AddictedWhere stories live. Discover now