❤️ chapter 32❤️

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad naman nag-sitakbuhan ang mga ugok. Kami nalang ni Spade ang andito.

"Are you mad?" Tanong niya.

"Ano sa tingin mo?"

"You eat all the cupcakes I brought."

"Hindi mo niluto yun? Sabagay, talent mong sunugin ang kusina."

"I don't know how to cook but it doesn't mean I can't learn how."

"Eh, bakit hindi ka nag-aral mag-luto?"

"Maybe next time if I've already have a girlfriend."

Napa-isip tuloy ako. Ipag luluto ni Spade si Fidget ta's kakain sila ng sunog na niluto ni Spade ta's mag-aaway sila dahil doon---

"Bwahahahahaha..."

Kumunot ang noo niya, "Why are you laughing?"

"Naisip ko lang, na kapag naging kayo ni Fidget---"

"Tss, she's not my type,"

"Kunwari ka pa eh!"

"Tsss. Purket may gusto ka pa sa ex mo..."

"Eh ano naman ngayon kung may gusto pa'ko kay Yuwence---" napatakip ako ng bibig ko. Slight lang naman.

"What the fuck?! May gusto ka parin sa ex mo???"

"O-oo nga...ku-kulit. Unti l-lang na-naman."

"I can't believe this, hinayaan mo'kong halikan---"

"Ano bang pinag-sasabi mo? Hindi ako nagpahalik sayo. Leche! At Isa pa, wala kang gusto sa'kin kaya quits lang!"

"You don't like me? Even a bit?"

"Kingina! Paulit-ulit?!"

"I kiss you 'coz I thought you like me."

"Ay potaa! Wala akong sinabi na may gusto ako sayo! Masyado kang mayabang! Akala mo lahat ng babae may gusto sayo---"

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi!"

"You will fall in my arms. Not now but soon."

♥♥♥

Nag-spray ako ng kunting pabango at inipit ng buo ang buhok ko. Naglagay din ako ng dalawang hairpin.

Tiningnan ko sa salamin ang suot ko. Black high waisted jean, yellow t-shirt at white shoes.

Ngayon na ang first day ng festival namin, mag titinda kami ngayong 9:00 am ng juice at pie sa booth namin. Nauna na si Ace, khanz at Spade sa school para ayusin ang pagkalagay ng pagkain sa booth namin.

Kinuha ko ang bagpack at ni-lock ang pinto ng kwarto ko.

"Saan ka pupunta?"

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Yuwence. Naka t-shirt at sweatshorts siya at pinupunasan ng tuwalya ang buhok niya.

"First day ng festival namin ngayon,"

"Hmmm," tiningnan niya ang wrist watch niya. "May photoshoot ako ngayong umaga, maybe sa hapon ako makakapunta sa school niyo."

Inikutan ko siya ng mata, "hindi ko naman sinabi na pumunta ka sa school ah!"

Ngumiti siya, "Yeah, I know. Mamasyal ako sa school niyo, puwede naman doon ang mga outsider since it was a school festival."

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon