❤️chapter 26❤️

Comenzar desde el principio
                                    

Pumeke ako ng ubo, "Hindi niya ko mahal, kaya ngahanap siya ng iba,"

Hanggang ngayon nalulungkot parin ako sa katutuhanan na iyon, iniwan niya ko para kay Jasmine. Ginawa niya ang lahat para kay jasmine na ni minsan hindi niya man lang ginawa sa'kin.

"May malalim na dahilan si yuwence kung bakit ka niya iniwan," makahulugang sabi ni Lolo.

Kumunot ang noo ko, "Alam niyo po ba ang dahilan? Lolo?"

Umiwas siya ng tingin, "hindi pa sa ngayon apo, pero sana pag nalaman mo ang tunay na dahilan, hindi mo kakamuhian ang mga kuya mo."

Tumango nalang ako kahit naguguluhan, bakit ko naman kakamuhian sila kuya? Eto ba ang sinabi ni yuwence dati na may si kuya mar ang dahilan ng paghihiwalay namin? May alam ba si Lolo sa totoong nangyari? Bakit hindi pa nila sinasabi iyon sa'kin? Gusto ko sanang tanungin si lolo kaso ayaw ko namang pilitin siya kung hindi niya pa talaga sasabihin sa'kin ngayon. Naiintindihan ko.

Pilit kong iniba ang usapan, "Lolo, may tanong ako,"

Ngumiti siya ng payapa sa'kin, "ano yun apo?"

"Bakit ako ang pinili niyong maging heiress? Andiyan naman sila kuya, mas may alam sila sa pamamalakad ng kompanya, bakit ako na dakilang pasaway?"

Yan ang tanong na dati ko pang tanungin kay Lolo, porket ba ako lang ang babae sa Karizou ay ako na ang heir?

"Dahil yun ang gusto ng Lola mo," mahinang tugon ni Lolo.

Bahagya naman akong nalungkot ng banggitin niya si Lola. Yumuko ako ng kunti at pinaglaruan ang daliri, "Lo, galit ba kayo sa'kin dahil ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Lola? Sinisisi niyo ba ako sa pagkawala niya?"

Dahil kung hindi ko lang sana pinuntahan si yuwence, nagawa ko pa sanang protektahan si Lola. Yun yung araw na huli kong nasilayan ang ngiti ni Lola. kung alam ko lang sana na mangyayari iyon hindi nalang ako pumunta sa villa ni yuwence para hanggang ngayon buhay parin si Lola. Hindi na rin sana ako nasaktan ng dalawang beses dahil kung andito lang ako sa mansiyon, magkasama pa kami ni Lola at hindi ko rin makikita ang kataksilan ni yuwence sa harap ko mismo.

Nag angat ako ng tingin kay Lolo ng nagsalita siya, "Kahit kailan hindi ako nagalit sayo apo, hindi mo kasalanan yun kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo. Dati pa man alam ko ng nasa panganib ang buhay nating mga Karizou dahil maraming natataklaw sa kayamanan natin, pero hindi ko naman alam na puntirya nila ang Lola mo kaya't hindi kami nakapag handa. Walang may kasalanan sa nangyari sa Lola mo kundi ang pumatay sa kaniya mismo. Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang gumawa sa kaniya nun. May lead na ang kuya mo sa suspek pero hindi pa sigurado kung sila nga ba iyon dahil wala pang ebidensya, magaling mag linis ang mga krimenal na iyon sa kalat nila."

Yun ang huling pag-uusap namin ni Lolo.

♥♥♥

"Tita jennalyn buti nakadalaw kayo!" Niyakap ko si tita at sunod si Blaine.

"Hehehe, marami kasi akong inasikaso sa business kaya ngayon palang nakadalaw sweetie, kinulit rin ako ni Blaine dahil miss niya na daw ang Lolo niya,"

Hindi pa rin talaga nagbabago ang hitsura at ugali ni tita. Masiyahin at maaliwalas ang pananaw sa buhay. 'ni hindi ko siya narinig na may pinagalitan o sinupladahan. Kung sana ganiyan din ang ugali ko maganda sana.

Minsan nga napapa-isip ako kung ganito rin ba ang ugali ni mommy sa'kin?

"Anyway, yayayain sana kita mag shopping kaso may pasok ka pala ngayon," ngumuso siya.

Class 1-ADonde viven las historias. Descúbrelo ahora