❤️chapter 24❤️

Magsimula sa umpisa
                                    

Anong ginagawa niya doon? Bakit siya nasa labas? 

Mabilis kong nilagay sa coffee table ang baso at pumunta sa walk in closet, sinuot ko ang red jacket na nakita ko. Pagkababa ko sa hagdan nakita ako ni kuya mark, shit ba't ngayon pa?

"Where are you going?" Kunot noong tanong niya.

"Mag papahangin lang sa labas," sinubukan kong hindi mautal, buti nalang naki-sama ang dila ko.

"Hmm. 'kay," binalik niya ang paningin sa laptop niya.

Huminga ako ng malalim, buti nalang kinagat niya ang pain ko. Nagmadali akong suotin ang tsinelas, tinakbo ko ang layo galing sa bahay papuntang gate. Buti nalang pinalabas ako ng guard, tinawagan siya siguro ni kuya na payagan akong makalabas.

"Alex!" Tawag ko sa kaniya.

Nagulat siya naman ng makita ako, naka hoodie siya. "Fia," lumunok muna siya bago tumakbo ng mabilis.

Hinabol ko naman siya, "Alex, please lang gusto kitang makausap," pinunasan ko ang luha na kumawala sa'king mata.

Tumakbo lang siya at hindi lumingon, eto lang ang paraan para mapatigil ko siya sa paglalakad. Masyado siyang mabilis kaya hindi ko talaga siya maabutan. Hindi ko rin siya mapapahinto sa pagtakbo. Maliban nalang kung siya mismo ang lalapit sa'kin. Lumunok muna ako bago tumigil sa pagtakbo, habol ang hininga na umupo ako sa gitna ng kalsada. Buti nalang wala pang kotse na dumadaan.

"Bahala ka Alex, pag 'dika tumigil sa paglalakad at kausapin ako, magpapakamatay talaga ako."

Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa gawi ko, "Your not going to do---" napatigil siya sa pagsasalita ng nilingon ako, lumaki ang mata niya ng makitang naka upo ako sa kalsada. "Shit, what the hell are you doing?" Tumingin siya sa likod ko na namimilog parin ang mata.

Nanlaki rin ang mata ko ng may nakita na papalapit na kotse galing sa likod ko. "Hindi ako dito tatayo pag hindi ka lumapit sa'kin at kausapin ako ng matino."

Mahal ko pa buhay ko, ilagtas niyo ko, habang papalapit ng papalapit ang kotse, mas lalo akong kinakabahan.

"Tumayo ka diyan," galit niyang utos.

Desidedo na'ko, "ayoko," Shit papalapit na ang kotse.

Sinapo niya ang noo at tumakbo sa gawi ko, bago pa'ko masagasaan ng kotse, niyakap niya ko at tumilapon kami sa gilid ng kalsada.

"Hoy, kung gusto niyo mag suicide, tumalon nalang kayo sa building," Sigaw ng driver ng kotse at mabilis na pinaharurot iyon.

Napatawa nalang kami ni Alex. Namilog ang mata kong mapansin ang posisyon naming dalawa, kingina! Nakapatong siya sa'kin habang nasa ulo ko ang kamay niya at ang Isang kamay nasa beywang ko.

"U-uhm, A-alex, pu-puwede ka ng tumayo," nauutal kong saad, tumigil siya sa pagtawa at tumayo. Naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko iyon.

Umigham siya, "sorry," nag iwas siya ng tingin. Tumango lang ako.

Ngayon ko lang napansin na walang nagbago sa kaniya, hindi  man lang pumayat at parang hindi naman mapula ang mata niya kakaiyak o wala namang eyebag, parang hindi broken hearted. Broken hearted nga ba?

"Bakit ka pala nandito sa tapat ng bahay namin?" Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit baka makatakas, mabuti na ang sigurado.

"Na-miss kita eh," namilog ang mata ko ng niyakap niya ko. Naramdaman ko rin na nabasa ang jacket ko sa balikat.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon