❤️ chapter 8❤️

Start from the beginning
                                    

"Spade tara na." Si spade nalang kasi ang nakaupo.

"Tss." Tumayo siya at lumapit samin.

Inilagay namin ang kamay namin. Patong patong. Sumigaw kami ng "Maiba taya."

"Yes alis ako." Apat nalang silang natitira...

At sa huli si Carl ang taya.

Tumalikod ito sa amin at nagsimulang magbilang.  "Pagbilang ko ng sampu dapat nakatago na kayo... Isa.."

Mabilis kaming lahat na tumakbo palabas. Yung iba umakyat sa kisame para di makita.

Hindi ko alam kung saan ako tatago.

"Stack room." Basa ko sa nakalagay na karatola sa pinto. Lagayan ito ng mga panlinis tulad ng walis.

Dito ko naisip na tumago. Madilim ang loob ng stack room pag walang tao. Kaya safe ako. Hindi ako makikita. Pagpasok ko sa loob. Sinara ko ang pinto. Umupo ako sa sahig at sinandal ang likod sa pader.

"Tss...are you following me?"

Ay multo.

Sisigaw na sana ako kaso may tumakip sa bibig ko at sinandal ako sa pader. Nasa likod kami ng pintuan.

Hindi ko kilala kong sino itong kasama ko.

"Ace. Thor. Nasan na kayo." Rinig kong sigaw ni Carl sa labas ng stack room. Maya maya pa bumukas ang pinto. Binuksan ni Carl ang ilaw. Kaya nakita ko kung sino ang tumakip sa bibig ko.

Si spade.

"Walang tao." Pinatay muna ni Carl ang ilaw bago sirahan ang pinto. Ang kamalian lang niya, nilock niya ang pinto sa labas.

Pano ako makakaalis dito?

"Carl, paki bukas ng pinto oh!" Kinalampag ko pa ang pinto kaso walang sumagot. Nakaalis na siya.

"Tss." Napalingon ako sa nakahalukipkip sa likod ko.

"Hoy ikaw! Hindi mo ba ako tutulungan?  Nakita mo naman na nilock tayo dito tas may nalalaman kapang tss. Tss tssin ko kaya mukha mo." Inirapan ko siya.

Ang hari ng mga ugok tumawa lang.

♥♥♥

Carl Pov,

"Boom! Huli ka balbon."

Nahulog naman sa puno si jin sa sigaw ko.

Hindi ko mapigilan na tumawa. "BWAHAHAHAHAHA."

Napakamot nalan siya sa ulo.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya ng mapansin na liliko ako .

"Sa canteen. Bibili ng pagkain. Nagutom ako sa kakahanap sa inyo."

Si fia at spade nalang ang di ko pa nahahanap. Nasan kaya yun?

"Kakatapos mo palang kumain, kakain ka na naman." Napakamot ako sa ulo.

"Ganiyan talaga basta gwapo." I chuckled. "Di ba miss?" Tanong ko sa isang chics na dumaan sa harapan ko.

"Huh? Aahhh . Oo." Namula pa ang pisngi nito. Binalingan niya ng tingin ang kasama niya. "Napansin ako ni Carl. Yeiih." Rinig kong sabi niya.

"Tss. Tara na nga." Inakbayan ako ni jin at hinila papuntang canteen.

"Inngit ka lang." Inirapan ko siya.

Class 1-AWhere stories live. Discover now