❤️chapter 7❤️

Start from the beginning
                                    

Fia pov,

"Haaays!!! Tapos na ang quiz." Ani ni glenn habang nag iinat.

Akala mo naman pinaghirapan niya ang sinagot niya sa quiz. Kumopya lang yan sakin.

Maya maya pa may dumating si blake (yung pinsan kong unggoy) sa classroom namin.

"Wala ang susunod niyong lecturer kaya may one hour free time kayo. Yun lang." Tiningnan niya muna ako bago umalis.

"Yehey!"

"Yes!"

"Tara labas tayo."

Napagpasyahan nilang umalis kaya ako nalang at si Alex, spade, at jin ang natira sa classroom.

Nakaka bored. Wala akong kadaldalan. Pupunta nalang ako sa canteen nagugutom rin naman ako.

Kinuha ko yung wallet ko at lumabas. Dumeretso ako sa canteen. Milktea at 2 burger lang ang binili ko.

Lumabas ako sa canteen at naghanap ng puwesto. Napadpad ako sa likod ng buliding. Wala naman dito upuan kaya pumunta ako sa likod puno. Para hindi ako makita umupo ako sa damuhan at sinandal ang likod sa puno.

Maganda dito tahimik. Tanging ihip ng hangin lang ang maririnig mo. Hindi rin nakaka-silaw ang araw dahil natatakpan ang puwesto ko ng mga dahon.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko. Binuksan ko ang fb lite apps. Naka inactive ang account ko.

Simula kasi ng lumayas ako sa bahay inactive ko na lahat ng social media accounts ko para hindi ako matuntun nila kuya.

Active na yung account ko sa fb. Nag picture muna ako at ginawa ko iyong profile picture. In a minute, marami na ang nag react sa profile ko pero isa lang ang nakaagaw sa atensiyon ko 'yuhence crawford' ang dakilang manloloko.

Sa inis ko nag log out nalang ako.

Nakakalahati ko na ang burger ng may nahulog sa harapan ko.

"Kingina!" Napasigaw ako sa gulat.

"Hahahaaha epic ang mukha mo." Napatulala ako sa lalaki na tumalon galing sa taas ng puno papunta sa harap ko.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang tumawa. Napansin niya siguro na nakatingin lang ang ako sa kaniya. Tumikhim ito. Umupo siya sa harapan ko. Nakatukod ang dalawang kamay niya sa likod.

Tiningnan niya ang kinakain ko at kinuha any isang burger.

"Alam kong gwapo ako. Pero wag mo'kong tingnan ng ganiyan." Bumalik sa dating cold ang boses niya.

"Bakit ngayon lang kita narinig na tumawa?"

"Alam mo fia, ganun talaga ang mga gwapo." Nakita niya yung milk tea ko kaya uminom siya rito.

Ugok!

"Ano ba jin?! Akin yan!"

"Wag kang maarte wala akong rabies."

Sana nga!

Umilaw yung phone niya kaya nakita ko ang wallpaper niya. Siya habang naka akbay sa isang magandang babae na naka braid ang buhok.

Sa kuha ng picture halatang masaya si jin. Sino kaya yung babae?

"Sino yung babae sa wallpaper mo?"

Napatigil si jin sa pagkagat sa burger at nagseryoso ang mukha. "Girlfriend ko." May halong pait ang boses niya.

"Ba't parang malungkot ka?"

Class 1-AWhere stories live. Discover now