❤️chapter 6❤️

Magsimula sa umpisa
                                    

Bawat dinadaanan naming mga babae nanlilisik ang mata sa'kin. Kaya tinanggal ko sa pag kaka akbay sa'kin si Lawrence.

"Ooh! Fidget anong ginagawa mo rito?"  Ace.

"Gusto ko makasabay sa paglalakad si spade at saka isa pa malapit lang yung classroom namin sa inyo. Bakit may problema bah?" Maarteng sabi neto.

Umiling nalang si ace.

Hinead to toe ako ni fidget. "Seriously, hindi ka marunong mag uniform?"

Seriously, hindi ka marunong tumahimik?

Hanggang sa makarating kami sa classroom nila. "Bye spade." Paalam ng higad.

Pagtapat namin sa room nakita ko yung mga lalaki kahapon sa parking lot. May mga benda sila sa ibat ibang parte ng katawan.

"Hi fia." Bati nung isa.

Ba't parang nag iba ang ihip ng hangin?

"Wag niyong sabihin na gusto niyo pa ng round 2?"

"Hindi naman idol. Ibibigay lang namin ito." Inabot sa'kin nung isa ang isang maliit na box ng chocolates. 20 piraso ng chocolates ang laman nun.

"Saan niyo nalaman ang pangalan ko? Bakit idol ang tawag niyo sa'kin?"

Lumabas sa classroom si franciss at Carl na kumakain ng chocolates.

"Nalaman namin ang pangalan mo idol dahil sa kanila." Ininguso nung isang lalaki sila carl at francis na busy sa paglamon.

Sabi na nga ba! Sinuhulan nila.

*Kriiing kriiing.

"Opps. Tumunog na yung bell. Bye idol."

"Bye idol."

"Bye."

Pag pasok ko palang sa classroom hinarang agad ako ni thor. "Asan na libro ko? Sira na ba?"

"Grabe ka naman sakin. Etoh oh! Walang gasgas yan!" Inabot ko sa kaniya ang pocket book na agad naman niyang inagaw.

Inilapag ko ang box na may laman na chocolates sa arm chair. Tumalikod muna ako para ayusin ang bag. Pag upo ko nakita ko ang box. Isa nalang ang laman na chocolates.

Inilibot ko ang paningin sa buong classroom. Silang lahat kumakain na ng chocolates.

"BAT NIYO KINUHA ANG CHOCOLATES KO?"

"Pasalamat ka, tinirhan ka pa namin ng isa." Sabi ni ram habang dinidilaan ang supot ng chocolate.

"Oo nga!"

"Kinuha na lang namin kasi hindi ka marunong mamigay."

"Kuripot ka kasi, fia."

"Mayaman ka naman. Bumili ka nalang."

"Kainin mo na fia yung natitirang chocolate baka kunin yan ni Carl."

"Kung ayaw mo akin nalang."

"Masarap pala ang chocolate basta ninakaw mo lang."

"Hahaha tama ka Francis.

"Chocolates lang toh, di mo ikakamatay."

Oo hindi ko yan ikakamatay pero kaya kung pumatay para lang sa chocolates.

"Mimi, wag kang mag alala bibilhan kita ng chocolates isang drum pa."

Pinanlisikan ko lang siya ng mata. Gago!

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon