❤️chapter 6❤️

Start from the beginning
                                    

*Tok tok.

"Mimi dalian mo na malalate na tayo. Hindi ka pa nag breakfast." Narinig ko ang yabag papalayo.

"We're not done yet."

"Wait lang." Sabi ko, ng aaalis na sana siya.

Ngumisi naman ang gago. "What? Do you want me to kiss you again?"

Ngumiti ako sa kaniya. Pag lapit ko sa mismong harap niya, sinikmuraan ko agad siya. "Bastos ka! Hinalikan mo ako!"

"Tss."

Mabilis niyang in-unlock ang pinto at lumabas sa closet habang ako kinakabahan.

May nakakaalam na sa sikreto ko. Pano na'to?

♥♥♥

"Tapos kana mag breakfast?" Tanong ni ace habang kumakain ng stick o.

"Oo. Gago saan mo nakuha yan huh?" Napatingin naman ito sa hawak niya.

"Ah eto sa kwarto mo." Ngumuya nguya pa ang ugok habang hawak hawak ang ninakaw niyang isang jar ng stick o.

"Kingina. Sinabi ko bang puwede ka kumuha niyan huh?" Binato ko siya ng pillow na nakita ko sa sofa.

Nasa living room na kami ngayon. Kakatapos ko palang kumain. Sana di pa kami late. "Sorry na." Nag peace sign pa ang ugok.

"Ang aga aga nagmumura ka." Balin sa'kin ni Alex.

"Mahal yung bigas hindi mura." Pabalang na sagot ko.

Inikutan niya lang ako ng mata. Bakla.

"Tara na. Baka malate pa tayo." Tumayo si spade. Binalingan niya ako ng nakangising tingin.

Hindi ako makatingin sa kaniya. Hayop kang gagong ugok ka! Ninakawan mo pa ako ng halik.

Bago ako makasakay sa van. Nag away muna kami ni xharles. Gusto ko kasi sa passenger seat sumakay kaso masyado siyang makulit, ayaw ipaubaya sa'kin. Kaya ayun sa tabi ako ni spade nakasakay.

Sa buong biyahe, wala akong imik. Si xharles, Lawrence at ace lang ang maingay at syempre pinag uusapan nila yung kasambahay namin na dalaga.

"Mimi, kailan ang day off ng katulong niyo?"

"Di ko alam." Humalukipkip ako.

"Sayang, balak ko pa naman siya e date."

"Hahaha Lawrence, masyado ka talagang babaero pati katulong pinapatulan mo." May pahawak hawak pa sa tiyan si ace nalalaman. Ikaw rin kaya!

"Kesa naman sayo hinuhunting mo yung janitress sa kompanya nila xharles."

"At least ako janitress lang. Eh si xharles nga yung kaniya ang mga waitress sa restaurant."

Nagpasapasahan pa ang mga ugok.

Pinark na ni Lawrence ang van. Pagpasok namin sa school at always tilian na naman ng mga babae ang maririnig mo.

"Andiyan na ang Royal Kings." Sigaw ng isang clown.

Royal Kings?

"Bakit Royal Kings ang tawag sa inyo?" Eh dakilang ugok naman kayo.

"Kasi gwapo kami." Kamapnte na sagot ni Lawrence tas inakbayan pa'ko.

Hahahaaha gwapo my face!

Class 1-AWhere stories live. Discover now