❤️chapter 3❤️

Start from the beginning
                                    

"Ahm... May ibang book ka pa ba na tapos mo na basahin?" Nahihiyang tanong ko.

"Marami. Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Gusto ko sanang magbasa. Baka puwedeng humiram?" Nag puppy eyes na ako.

"Sure. Come follow me." Tumayo siya. Ewan ko kung daan siya pupunta basta follow the leader daw.

Papaluin ko sana si Thor buti nalang naklaro kong follow ang ibig niyang sabihin at hindi palo.

Dumeretso siya sa gilid ng sofa may bookshelf na hanggang beywang ko ang taas.

"Pumili ka nalang," nakangiting aniya.

"Puro... pocket book toh?"

"Yup."

Grabe! Ginawa na nilang bahay ang classroom namin.

Kumuha ako ng isang libro na medyo manipis. Hindi ko na inabala na basahin ang title. Iniscan ko lang naman. Binalik ko rin agad matapos akong makabasa ng hindi ko dapat mabasa. Gago! Inosente ako.

Binasa ko yung title.

"Posissive series 3 by c.c." tumingin ako sa kaniya. Aba't gago ka ah!

"Hahahaha! Wag kang maghanap sa taas puro ps. yan dun ka sa ikalawang baitang ng bookshelf maghanap hahahaha." tinawanan pa ako ng ugok nato.

Akala ko naman matino to hindi rin pala. Ipinakita ko sa kaniya ang book na napili ko

"Etoh nalang."

"Ok sige. Wag mong sisirain yan ha?"

"Grabe ka thor, wala ka saking tiwala?" May pahawak hawak pa ako sa dibdib na nalalaman.

"Wag kang OA," pinitik niya pa ang tenga ko aray! Ugok!

♥♥♥

Haaay! Salamat lunch na.

Hawak hawak ko lang ang libro na hiniram ko kay thor. Basta ayaw ko lang na ilagay sa bag ko. Wala naman akong dala na iba kaya ok lang.

"Guys! Kita nalng tayo sa canteen dadaan pa kasi kami sa section 4-D nila Thor at Micco." Sabi ni mykel at nag iba silang tatlo ng dadaanan.

"Sino ang pupuntahan nila sa section 4-D?" Naguguluhan talaga ako sa mga ugok na'to.

"Mga girlfriend nila." Sabi ni Lawrence habang naka-akbay sa'kin.

"Ok."

Masyado talagang sikat ang mga hayop nato. Bawat dinadaanan namin na estudyanteng babae tumitili sa kilig pag nginingitian sila ng mga ugok.

Pag punta namin sa canteen kaniya kaniya nang pila ang mga ugok. Ang iba nginingitian lang nila umaalis na sa pila. Kaya ayon nauna sila.

"Dito ka lang Mimi. Ako na bahala ng order mo." Ani Lawrence.

Tumango nalang ako.

Ako nalang at ang gagong spade ang andito sa table. Magkaharap kami.

"Anong tinitingin tingin mo?" Naiirita kong tanong.

Hindi siya sumagot mas inilapit pa niya ang mukha niya sakin. Ako naman napa sandal sa upuan ko. Naamoy ko na ang mint cool niyang hininga.

"U-umatra-s ka nga..." Nabubulol kong saad.

Class 1-AWhere stories live. Discover now