❤️chapter 3❤️

Start from the beginning
                                    

Tumigil siya! Bwahahahahaha pagkakataon ko na! Humanda ka!

"Tapos ka na?" Hindi siya sumagot it means yes "Ako naman."

Tinapon niya ang bat. Pumunta siya sa gawi ko, susuntukin na sana niya ako kaso nahawakan ko ang kamao niya at pinilipit ko ito.

"Arggghhhh!" Sigaw niya sa sakit."Tama na arghh! Shit! Bitiwan mo'ko."

Tiningnan ko muna ang oras sa wrist watch ko. Ok malapit na'ko malate kaya binitawan ko na siya.

"Umalis na kayo." Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Humanda ka! Babalikan ka namin." sigaw nung isa.

Pakihanap ng paki ko.

Pumunta ako sa gawi nung nerd.

"Halika. Dadalhin kita sa clinic." dumudugo kasi ang ilong niya. Hindi na siya nakaangal.

"Thank you!" Parang kilala ko talaga ang lalaking ito.

"Kilala ba kita?" Tanong ko sa kaniya. I swear, kilala ko ang boses niya at parang familiar talaga ang lalaking ito.

"No." maiksi niyang sagot.

Ok. Wag pilitin ang hindi kilala.

"Wait." may nakalimutan ako. Hindi ko alam kung saan banda ang clinic sa school na'to.

"Ituro mo sa'kin kung saan banda ang clinic, bago lang kasi ako dito kaya hindi ko alam." Pagdadahilan ko.

Tumawa siya ng kunti. "You never change fia." Bulong niya, sapat na para marinig ko. And for the second time huminto ako.

"Kilala mo'ko." Napahinto siya ng tawa sa sinabi ko.

"Huh?" Binalewala. Siguro mali ang narinig ko kaya pinag walang bahala ko nalang yun.

Nang makapunta na kami sa clinic nag paalam na ako sa kaniya na aalis na baka malate pa ako sa first period namin.

"Bye-- uhm... Mr. Nerd?" Hindi ko kasi alam ang pangalan niya.

Natawa naman siya ng kunti. "I'm Christian."

"Ok bye Christian."

"Ok bye fia. I miss you." Napahinto ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya pero nakasara na ang pinto ng clinic. Weird.

Baka guni guni ko lang yun. Nevermind.

Pagpunta ko sa classroom as always maingay na naman sila.

Kakaiba ang desenyo ng classroom namin. Sa unahan may bente na upuan na may armchair, sa dulo naman may mahabang sofa na nakatalikod sa harapan ng upuan at tv sa unahan nito. Magkaharap ang blackboard at tv sa gitna ng sofa may cofee table at single sofa sa magkabila. Taray dibah? Tapos yung wall may mga painting.

Masyado silang maingay maliban kay spade,Alex, jin at Thor na nagbabasa lang ng pocket book. Dahil dakilang maingay ang katabi ko na si Glenn, pumunta ako sa taong nakasalaming na mahilig mag basa ng pocket bock, at umupo sa katabing silya, wala naman dun nakaupo dahil yung katabi niya andun lumayas papuntang kabilang planeta.

"Hey!" Pagkuha ko sa atensiyon niya.

"What the--- oh fia baket?" Ayaw niya siguro na iniisturbo siya.

"Ah wala! Sige na magbasa ka nalang kalimutan mo na lang na tinawag kita---"

"It's ok! What's the matter?"

Class 1-AWhere stories live. Discover now