"I tried Larisa. I tried." I bit the inside of my cheek to calm myself because nervousness that I feel. "I tried to wait you. I even tried to called multiple times." I inhaled deeply. "I tried, but I feel tired."

Napahaplos ako sa buhok ko para pigilan ang sariling maiyak. Ilang beses ba kong umiyak noon habang nakatingin sa picture naming dalawa? Ilang beses ba kong umuwing lasing dahil sa sobrang lungkot ko at labis na pangungulila sa kanya? Ilang beses ba kong napa-away sa Bar dahil pag-aakalang si Larisa yung mga babaeng hinahalikan ko?

Ilang beses ba kong nagmakaawa sa kanya na wag akong iwan dahil hindi ko kaya na wala siya?

Maraming beses. Halos hindi ko na nga mabilang sa sobrang dami.

Sunod-sunod ang paglunok na nagawa ko wag lang talaga maiyak sa harapan niya. "I almost killed myself when you l-left me." garalgal kong saad. "Kamuntikan na kong hindi makagraduate dahil sa sobrang kalungkutan noong iniwan mo ko. Hindi kita sinisisi sa lahat ng nangyari sa'kin noon." I took a deep breath. "Ang sa akin lang, hindi ba pwedeng sarili ko naman yung mahalin ko? Alam mo yung, binubuo kita noon, pero kaakibat noon, pagkadurog ng puso ko." and now, I'm fucking crying!

Damn it!

Para kaming tangang dalawa dito na nagdadrama sa gilid ng kalsada. Pustahan tayo, nakatingin sa'min ang mag-asawa. Pinapanood nila kaming dalawa sa bintana.

Nararamdaman ko na ganun ang ginagawa nila. Knowing Athena, napaka chismosa.

"When I met her I feel complete." I leaned in her car. "Her presence brings the best out of me. Her presence makes the world more beautiful." bahagya pa kong natawa ng maalala ang araw na unang beses kaming nagkita. Hindi pala yun ang una, pangalawa pala. At mabuti na lang pala at nakita ko siya dahil kung hindi, malamang walang hanggang ngayon wala paring kausad-usad ang buhay ko.

"Please Larisa, stop this shit. We can't be togther." I looked at her. "I don't want to hurt her. She doesn't deserve this pain. So please, back off."

Ayaw ko siyang saktan pero mas ayaw kong masaktan si Lorraine.

Naramdaman ko na ang pakiramdam kung gaano kasakit ng maloko, ipaparamdam ko pa ba yun sa babaeng mahal ko? Dadagdagan ko paba ang pasakit na nararamdaman niya?

"So, you don't love me anymore." umiiyak na tugon niya

Para akong tangang natigilan at hindi sumagot dahil mas pinili na lang na pakatitigan siya. Alam kong nasasaktan siya ngayon. Hindi ako manhid para hindi maramdaman at makita yun. Pero mas lalong hindi ako tanga kung papayag ako sa gusto niya habang may mahal na kong iba.

"I'm sorry Larisa." I took a deep breath. "I'm sorry."

She nodded slowly still wiping her tears. "Did you love me Dike?"

My brows furrowed. "Ofcourse I did." grabe hindi ba halata? Hindi parin ba niya nakikita kung gaano ko siya kamahal noon?

Isang tango lang ang sinagot niya sa'kin bago tuluyang umalis sa harap ko at agad na pumasok sa sasakyan niya.

Habang ako, nakatanga lang na pinagmamasdan ang sasakyan niyang unti-unti ng nawawala sa paningin ko.

What the hell just happened?

Inis na pumasok din ako sa sasakyan ko at pinaharurot ito paalis sa lugar na yun. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Basta ang alam ko lang, gusto ko munang magpakalayo-layo. Gusto kong pumunta sa lugar na ako lang ang nag-iisang tao at walang nakikita na kahit na sino.

Sobrang gulo ng buhay ko.

Sa sobrang gulo, hindi ko na alam kung ano ang una kong aayusin.

Paano kung malaman ni Lorraine kung gaano kagulo ang buhay na meron ako, pipiliin niya parin kaya ako?

Inis na hininto ko ang sasakya ko sa gilid ng kalsada at nanghihinang napayakap sa manibela ko. Doon na din unti-unting bumagsak ang luha ko.

Buong buhay ko, nakatutok lang ako sa kanya. Sa babaeng minahal ko noon sa loob ng ilang taon. Sa kanya lang lagi nakatuon ang pansin ko to the point na wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa paligid ko,  sa nangyayari sa mga magulang ko.

Sobrang sakit ng iwan niya ko. At mas piniling mabuhay ng wala ako sa tabi niya. Pero wala ng mas sasakit pa ng malaman kong naghiwalay ang mga magulang ko.

Pakiramdam ko, mas lalong gumuho ang mundo ko nang oras na iyon.

Masyado akong nakafocus sa babaeng hindi naman pinapahalagahan yung pagmamahal ko sa kanya.

Ngayon na nakausad na ko sa lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko, hindi sinasadyang nakita ko ang taong magsisilbing lakas ko.

Hindi sinasadyang mamahalin ko siya ng ganito.

Ng maikalma ko ang sarili, napapikit na lang ako bago napasandal sa upuan ko.

Pinapangako ko, hindi ko hahayaang makilala mo ang totoong ako na may magulong pamilya. Kung kinakailangan na ayusin ko ang samahan namin ng tatay ko, gagawin ko.

Saglit pa kong natulala sa kawalan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nanghihinang kinuha ko naman yun ata agad na sinagot ang tawag kahit na hindi ko alam kung sino yun.

"Hello" I said in a rasping tone

( "Dike" )

Nanlaki ang mata ko at agad na napa-ayos ng pagkakaupo ng marinig ko ang boses niya. Damn it. "Hey, d-darling." Oh shit! Isa kang hamak na traydor at hinayaan mong mautal ka Dike.

( "Where are you Dike? At saka, bakit ganiyan ang boses mo?" )

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko. Bakit ba lahat na lang napapansin niya? "Ahm.. ano.."

I heard her tongue clicking. Napangiti tuloy ako. Hindi pa ko nagsisimula sa sasabihin ko pero alam na niyang isang kasinungalingan lang ang sasabihin ko. ( "Dike" )

I gulped hard. "Yes?"

( "Larisa is here." )

My jaw dropped.

What the fuck Larisa?

-----------------

Short update:*

AddictedWhere stories live. Discover now