Dahil sa curious akong malaman kung bakit siya nagkakaganito ay dahan dahan akong naglean sa kanya.

Napansin niya ako at naglean din pakanan para hindi ko makita yung cellphone niya.

Napanguso naman ako.

" Ah, hehe" napasimangot ako at pinili nalang na tumulala sa damuhan.

Sooner or later, I'll know what he's up to anyway.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

He stiffened up and I can feel his eyes on me.

Maya maya narelax siya at isinandal na din yung ulo sa may ulo ko.

---

" Surprise!" napapikit-pikit ako nang may confetti na binabato sa akin.

Nasa harap ko sila Zeke, Theo, Katie, William, sina Ema at Jane, si Tiya at si Brylle.

Tumakbo papunta sa akin si Brylle at kaagad akong niyakap.

" Happy Birthday Mama!" May decorations na nakalagay sa buong dining room. May pagkain din sa may lamesa.

Ngumiti ako at niyakap pabalik si Brylle.

" Thank you, baby"

" Hindi pa kami tapos mag-ayos kanina kaya kinailangan kitang ilayo" nahihiyang sabi ni Theo.

Lumingon ako sa kanya.

" Ayos lang. I really appreciated this."

" We know that some things for now are still not clear, but let's forget it today. Happy Birthday Nass." ngumiti ako kay Katie at magkasabay na niyakap siya at yung kapatid niya.

" Thank you"

" Sinabi sa amin ni Anne na birthday mo pala at nagkataong narinig iyon ni Sir Zeke" niyakap ko din si Tiya at si William tsaka nagpasalamat.

Humarap ako kay Zeke na nakatungo.

" I---"

Bago pa siya makapagsalita ay niyakap ko na din siya.

Ngumiti siya sa akin at binalik ang yakap ko.

Hindi kami nagsasalita pero alam namin ang pahiwatig ng isa't isa.

" Kain na tayo" binuhat ko si Brylle at nilapit sa mga pagkain.

Puro paborito kong pagkain yung nandito ah!

" Jane, Ema! Tara dito!" Nahihiya silang lumapit sa akin.

" Sorry Nass ah. Wala kaming regalo" sabi ni Jane.

" Ay oo nga! Kami din. Kahit kasi kami nasurprise sa handaan na ito eh" kinunutan ko sila ng noo.

" Okay lang naman kahit wala eh, ang mahalaga nagbirthday"

" Oy! Ano meron?" napatingin kami kila Steven at Maxence na pumasok sa dining room. Tinanguan ako ni Zeke.

" BIrthday ni Nass" nanlaki ang mata nung dalawa at napatingin sa akin.

" H-happy Birthday Nass" ngumiti ako kay Steven.

" Salamat" 

Hindi na ako nabigla sa mga reaksyon nila. Halos anim na araw na nila akong hindi pinapansin eh.

" Kuha na kayo ng pagkain" tahimik silang pumunta sa  may lamesa at kumuha ng pagkain.

Maya maya ay dumating din ang iba pwera kay Keian.

Yung tensyon kanina nung kaunti palang kami ay nabawasan dahil sa kakulitan nung mga kasama namin dito.

" Wah Nass! Si Brylle oh!" parang batang nagtago sa likod ko si Steven dahil hinahabol siya ni Brylle.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now