" Ma'am, baka po makita ako ni Maître Andrew at mapagalitan pa ako" pormal na sabi nito.

Lumayo ako sa kanya at tinitigan ang mata niya.

" Kuya! Hindi mo ba ako nakikilala?" Lumayo siya sa akin.

" Hindi po, may kailangan po akong gawin kaya paalam na" nagmamadali itong umalis sa harap ko kasama si Leon.

Napatulala ako sa pigura niya tsaka napasimangot.

Baka nagh-hallucinations na ako dahil sa stress nung nangyayari nung mga nakaraang araw.

Bumuntong hininga ako at bumalik na sa loob ng mansyon.

" Nass!" Napalingon ako kay Ema na may hawak ng tray ng pagkain.

" Bakit?" Nakangiti kong tanong dito.

Napakamot siya ng batok.

" Uhmm, favor lang. Pwede bang ikaw na ang mag-akyat nito sa kwarto ni Maîtresse Aedin. Kinakabahan kasi ako sa presensya ni Maître Andrew eh" tumango ako dito at kinuha ang tray mula sa kanya.

" Sige, ako na ang bahala dito"

" Salamat Nass!" Pinanood ko muna siyabg bumalik sa kusina bago ako umakyat sa kwarto ni Aedin.

Madalas nang magkasama si Keian at Aedin.

Okay lang naman iyon para sa akin dahil naiintindihan ko naman ang kalagayan ni Aedin.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay nakita kong nakabukas ang pinto nito.

Huminga ako nang malalim at sumilip sa siwang ng pinto para tignan kung gising ba si Aedin.

Pero ang nakita ko ay ang pinaka hindi ko inaasahan.

My heart sank at what I'm seeing right now.

Mapait akong ngumiti.

Wala naman na akong magagawa. Ganyan talaga ang buhay eh.

Binuksan ko ang pinto at mukhang hindi nila ako napansin kaya nagpatuloy lang sa paghahalikan.

Maingay kong ibinaba ang tray sa isang table dahilan para mapatingin sa akin ang dalawa.

Gulat na tumingin sa akin si Keian at Aedin.

" Eto na po ang pagkain niyo, Maître, Maîtresse" flat ang tono kong sabi sa kanila at nagmadaling lumabas ng kwarto.

" Nass" naramdaman ko ang paghawak ni Keian sa braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglayas sa lugar na ito.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti, pero mukhang napangiwi ako eh.

" It's okay, Keian" lumamig ang ekspresyon niya at bumitaw na sa akin.

Nakayuko ang ulo kong bumaba papunta sa kusina.

Pero nasa may sala palang ako nang makita ko si Theo na nanlaki ang mata nang makita ako.

Huh?

Mabilis siyang lumapit sa akin.

" Hi Nass" nagtaka ako.

" Hello?" Hinawakan niya ang kamay ko ag halos patakbo akong dinala sa may labas ng mansyon.

" O-oy! Saan tayo pupunta?" Tumigil siya sa paglakad takbo at hinihingal na napaupo sa damuhan.

Dumako ang mata niya sa akin.

" Wala. Tara, upo ka muna dito" tinapik niya yung space sa tabi niya.

Kahit na takang taka na ako sa ginagawa niya ay ginawa ko ang sinabi niya at umupo katabi niya.

Kinakabahan siyang ngumiti at nagpindot pindot sa may cellphone niya.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon