Sumunod ako dito.

Kaagad akong umupo sa upuan at napabuntong hininga.

" You look very pale. May sakit ka ba?" Umiling ako dito.

" Uhmm, wala naman. I fainted in the guest bathroom" bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

" Ilang minuto kang walang malay?"

" Mga limang oras" dahan dahan itong tumango.

" Uhmm. Dinudugo kasi ako ngayon baka may kinalaman doon yung pagkahimatay ko" ngumiti siya sa akin.

" That's possible. Kailan nagsimula yung period mo?" Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil na din sa nahihirapan akong manatiling gising.

" Hindi pa dapat ako magkakaroon. Normal ang monthly period ko at sa next next week pa dapat ako magkakaroon" nagtaka siya sa sinabi ko.

" So why are you---" napatahimik ito nang marealize kung ano ang posibleng dahilan nung pagdudugo ko.

" You bled after..." tumango ako sa kanya.

" Kaninang umaga ko lang napansin" nakita kong nalungkot ang mata niya at mukhang hindi alam ang sasabihin.

" Uhhmm. Sige, gusto mo icheck ko?"

" Kung okay lang" ngumiti siya at tumango.

" Of course. Pero kailangan nating pumunta sa isang room para maexamine kita" ngumiti ako at sumunod sa kanya.

Wala kasing kama dito sa clinic.

Inalalayan niya akong maglakad papunta sa isang kwarto.

" Kumain ka ba kahapon?" Napayuko ako sa hiya.

Kahit hapunan kasi kahapon hindi ako nakakain, wala akong gana buong araw.

" Oh, Nass. Dapat kumain ka. Baka kaya ka nahimatay ay dahil hindi ka kumain"

" Sorry" bumuntong hininga siya at binuksan yung pinto.

Isasara na sana niya yung pinto nang may sumigaw ng pangalan niya.

Nagkatinginan kaming dalawa at maya maya pa ay nakita namin si Dale sa may pinto.

" Katie! Aedin is flat lining" nanlaki ang mata ni Katie at kaagad akong tinulungang makapunta sa kama.

" Uhmm, Nass. Maghintay ka na muna dito, okay lang? I-I need to---"

" Sige lang" bahagya siyang ngumiti sa akin, isinara at narinig ko na kaagad na tumakbo.

Bumuntong hininga ako.

Ramdam kong mas nanghihina ako ngayon.

Physically and mentally.

Nakaramdam ako ng matinding pananakit sa may ibabang bahagi ko at naalala yung pakiramdam na parang first time na naexperience.

Sa panic ko ay napaalis ako ng kama kaso ay napaupo sa sahig dahil sa sakit.

Gusto ko sanang tumakbo at tawagin si Katie dahil bumabalik na talaga sa isip ko yung mga nangyari pero naisip ko na busy nga pala siya.

Wala akong enerhiya na bumalik sa kama kaya patagilid akong humiga sa sahig.

Pumikit at iniaalis yung larawan ni lolo sa isip ko.

---

Third Person's POV

Hindi na alam ni Nass kung ilang oras na siyang nakahiga sa sahig.

Magisa lang siya sa kwarto at hindi niya maiwasang mapatulala sa pader dahil sa ala-alang bumalik sa kanya.

Maid for the Mafia BossWhere stories live. Discover now