" Keep them safe" lumapit sa akin si Keian at niyakap ako.

" I'll see you in the evening" he pecked my lips then immediately leave to drive his own car.

Sumunod sa kanya si Zeke.

" Anong oras tayo aalis?" Bumalik ang tingin ko kay Maxence.

" Magbihis lang ako. Kung okay lang, magistay muna tayo sa bahay namin. Mamaya pa kasi magbubukas yung mga mall" ngumiti siya sa akin at tumango.

Ngumiti ako pabalik at umakyat na sa kwarto ni Keian para maligo at magsuot ng pang-alis.

Nang matapos ay bumaba ako sa sala kung saan nandoon si Maxence na naglalaro sa cellphone niya. Tumaas ang tingin niya nang mapansin ako.

" Tapusin ko lang ito" matagal ko siyang hinintay bago niya matalo yung kalaban sa laro niya.

" Let's go" nakikipag-usap na siya sa akin pero madalang pa rin na magsalita.

Nagdrive si Maxence papunta sa bahay at nagtagal kami doon nang hanggang tatlong oras.

Medyo nagulat pa ako nang magkita sina Maxence ay Brylle ay parang close na sila. Ni hindi man lang nagcellphone si Maxence at nakipaglaro kay Brylle.

" Mama, can we watch a movie in the mall?" Ngumiti ako kay Brylle at ginulo ang buhok nito.

" Of course baby, ano gusto mong panoorin?" Napanguso siya at nagkibit balikat.

Nasa kotse na kaming tatlo, papunta na sa mall.

" Here" nakita kong inabot ni Maxence yung phone niya kaya tinaasan ito ng kilay.

" Go to the mall's website and see what movies they're going to play in the cinema" alinlangan kong kinuha ang cellphone nito at sinearch yung website nung mall.

Pumunta ako sa may mall cinema na page at napangiwi.

" Why?" pagtataka ni Maxence.

" Puro horror yung palabas" tumango ito at pinabalik yung phone.

Habang nagd-drive siya ay nagtetext siya sa cellphone.

Tinignan ko namang mabuti yung kalsada at baka may kung anong masamang mangyari.

" Oh. Type mo lahat nung movies na sa tingin mo ay gustong panoorin ni Brylle" kumunot ang noo ko.

Ansabe???

" Ha?" umirap siya sa sinabi ko.

" The mall has a VIP cinema. Pinareserve ko para makapanood tayo ng ibang palabas para kay Brylle"

" Does that mean I'll get to watch all the movies I want?" kumikislap ang matang tanong ni Brylle.

Tumango si Maxence sabay ngiti dito.

Pumikit pikit ako sa nangyayari.

" Hindi ba iyon mahal? Wala akong masyaddong pera" tinignan naman ako nang masama ni Maxence.

" Who said you'll pay? Magtype ka na" sarkastiko akong ngumiti dito.

Suplado pala itong lalakeng toh?!

---

Pagkatapos naming manood nang tatlong movies sa private cinema na nireserve ni Maxence ay kumain kami sa isang restaurant na ang sabi nung kasama ko ay pagmamay-ari nung isang pinsan niya.

Pinigilan ko namang hindi mainis kay Maxence.

Haisttttt.

Mas mabuti nalang palang huwag na siyang magsalita.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon