"Uy Sadie! Congrats pala!" Cathleen said loudly that had my brows creased before nodding. "May patient kana sa practicals next week?"



I silently heaved a sigh when they started walking towards me. Okay, how do I get away from these loud asses.



"Oo." I answered without looking at them.



Nagtungo ako sa locker room kung nasaan ang bag ko. Sumunod naman sila na ikinairita ko talaga. I hate it when someone tails me. Kahit si Moli ay natatarayan ko talaga kapag palaging nakabuntot sa akin.



"Amp! Sana all!" Lovely said, iyon na yata ang paburito niyang salita.



"Pota, patient crisis is real! Wala nang gustong pumayag na maging pasyente ko!" Reklamo pa ni Izza.



"Gaga, sino bang gustong maging pasyente? Tanga ka." Sagot naman ni Cathleen at nagsimula na silang magbangayan sa likod ko.



Dahil sa irita ay pabagsak kong isinara ang locker ko nang makuha ko na ang aking bag. Natigil sila sa pagsasalita dahil sa gulat pero hindi kona sila nilingon pa at naglakad na ako papalayo.



Dumiretso ako sa common bath room at naligo kaagad. Hindi puwedeng hindi ako maligo pagkagaling sa lab dahil napapraning ako sa tuwing uubo ako o mangangati. Iniisip ko kasi na kumapit na sa akin ang mga bacteria na pinakielaman namin sa lab.



Nang matapos ay halos ipanligo kona ang alcohol bago ako umuwi. Hindi pa naman ako sigurado kung papayag si Luke na gawin ko siyang pasyente next week, pero ine-aim ko na kaagad na papayag siya kaya ako um-oo kanina kay Cathleen.



Nang makalabas ako ng campus ay walang emosyon akong nagtungo sa parking. Ang back pack ko ay nakasabit lang sa kanang balikat ko, sa kaliwang kamay ay bitbit ko ang aking tackle box habang nakasabit naman sa kanang daliri ko ang susi ng sasakiyan.



Napakunot ang noo ko nang mapansin ang kumpulan ng mga estidyante sa parking slot kung saan ko natatandaang ipinark ang mercedes na iniregalo ni Loren.



Hindi ako huminto sa paglalakad at pinindot ang remote key nang malapit na ako kaya nagulat ang mga tao nang mag-alarm ang sasakiyan. Lahat sila ay napalingon sa akin at gulat ang mga mata.



Hindi ko sila tinapunan ng tingin, sa halip ay dire-diretso akong naglakad patungo sa pintuan ng driver's seat at laglag ang kanilang panga nang buksan ko iyon para pumasok. Para silang mga kahoy na nanigas sa kanilang mga puwesto habang nakatanaw sa akin.



Tinted ang salamin ng sasakiyan kaya malaya ko silang sinamaan ng tingin. Ano, diyan na lang sila? Paano ako uuwi?



Bumusina ako ng dalawang beses, dahilan para mabilis silang tumabi at magbulung-bulungan. Napairap ako sa hangin nang malinis ang driveway at agad na akong nagmaneho palabas ng parking lot.



I'm not bragging about this car dahil hindi naman ako ang bumili, pero hindi ko maiwasang mairita dahil sa bagal nilang umintindi. Dapat kapag nandiyan na ang may ari ay tatabi sila, don't block the drive way nga e? 



While I'm on my way back to the mansion, I suddenly thought about Luke's number. Nakalimutan ko pala iyong i save kagabi dahil pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ay nagbabad na ako sa microbiology book na binabasa ko.



I slowly reached for my bag on the front seat and opened the zipper using only my right hand. I inserted my hand to search for my phone inside and when I found it, I immediately took it out of my bag.



La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now