The Villain's Progeny

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nice Diana. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang weapon!", manghang saad ni Rhaine.

Sinubukan kong paikutin ang isang chakram. Nakikita ko ito sa mga pelikula pero hindi naman ako marunong gumamit nito. Laking gulat ko nang mapaikot ko ito na parang eksperto. Pinaikot ko rin ang isa pa gamit ang isa kong kamay. Namangha ako nang magawa ko pa itong palipat lipatin habang umiikot.

"Wow, you're good.", saad ni Eros.

"Hey people! We need some help here!"

Napalingon kaming lahat sa sumigaw. Nahihirapan na si Aquany dahil sunod sunod ang pagatake ng mga kalaban. Dalawang Dagger ang panlaban nito na hawak ng dalawang kamay. Nakakamangha lang dahil sa magaling ito sa pakikipaglaban at mabilis lumangoy.

"We must help them. Iyon ang pinunta natin dito.", saad ni Victoria.

"Remember, attack the tails, then slash the forehead.", paalala ni Caiele. Tumango kaming lahat at mabilis na lumangoy sa gawi ng mga kalaban.

Tatlong kalaban ang nasa harap ko ngayon. Mukhang mga timang ito dahil ginagalaw galaw nito ang ulo habang nakanganga. Hindi ko na hinintay na umatake at mabilis na ginamit ang chakram ko para hiwain ang bundot ng mga ito kaya't nahati ito sa gitna. Agad kong inatake ang mga noo nito at unting unti naglaho.

Tinignan ko ang mga kasamahan ko. Napangiti ako dahil sa husay ng mga ito makipaglaban. Nakakamangha ang paggamit nila ng kanilang mga sandata.

Nagawa ni Nikole na makatira ng tatlong kalaban gamit ang crossbow nito. Hindi na nagawang makalapit ng kalaban dahil sobrang bilis ng palaso ni Nikole. Habang may inaasinta siya ay may lumapit sa kanyang isang kalaban. Mapapasigaw sana ako nang makalapit na ito pero nagawang itira ni Nikole ang palaso niya at mabilis na nagpalabas ng espada at umikot para hiwain ang nasa likod niya.

Napansin ko si Victoria na ngayon ay pinalilibutan ng limang kalaban. Sinimulan niyang paikutin ang kanyang staff sa itaas. Namangha ako dahil kasabay nito ay ang paggamit niya ng build niya kaya't nakagawa siya ng ipo-ipo. Lumaki iyon kaya't nahatak ang limang kalaban at pumasok doon. Bumagal ang pag-ikot non at kasabay non ay ang paglaho ng mga kalaban niya.

Sa gawi naman ni Rhaine ay may tatlong kalaban. Hawak ng kaliwang kamay niya ang hawakan ng whip at ang kanang kamay naman ang may hawak sa isang bahagi nito na ginamit niya para paikutin ito. Agad niya itong tinapon sa tatlong kalaban at naging tatlo rin ang lubid. Hinatak niya ang whip para sikipan ito sa buntot ng mga kalaban. Biglang nagkaroon ng mga patusok doon kaya bumaon ito sa buntot at naglabasan ang itim na dugo. Napansin kong nanginig ang mga ito. Tinanggal ni Rhaine ang pagkakatali ng whip niya at agad inatake ang mga noo nito.

Sa paglingon ko sa gawi ni Ethan ay pinalilibutan ito ng apat na kalaban. Nagpatubo ito ng halaman at itinali ang mga iyon. Pinaikot ni Ethan ang hawak niya flail at tumama iyon sa buntot ng apat. Agad naman niyang inatake ang mga noo nito kaya't naglaho ang mga ito at humalo sa tubig.

Napansin ko ang paghiwa ni Eros gamit ng kanyang double blade axe ang tatlo niyang kalaban sa buntot kaya nagkahiwalay ito. Agad naman nitong tinaga ang ulo ng tatlo, brutal naman 'to. Naglaho naman ang mga iyon kaya't may sumugod ulit kay Eros pero napatay naman niya ang mga ito.

Natigilan ako nang may naramdaman akong paghiwa sa likod ko kaya napatalikod ako. Nakita ko si Caiele na hiniwa ang ulo ng kalaban hanggang sa buntot nito kaya nahati ito sa dalawa at naglaho. Napatingin naman ako kay Caiele na ngayon ay masamang nakatingin sa'kin.

"Stop watching and fight. Hindi mo alam mamamatay ka na.", seryosong saad nito. Napakagat ako ng labi.

"Pasensy--", nakita ko ang isang kalaban na papalapit at planong umatake kay Caiele mula sa likod. Agad akong tumingin kay Caiele na ngayon ay may nagtatakang mukha.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon