EPILOGO

49 2 0
                                    

•••

Bago matapos ang paguusap namin ay nanatili muna kami sa kubo na 'yon at sinabi ko rin sa kaniya ang mga sinabi nila Ms. Shin at Neon sa akin, about sa kailangan ko raw siyang iligtas.

Dahil daw 'yon sa arrange marriage na gusto ng mga magulang niya sa napili nitong babae para sa kaniya.

Sinabi niya daw 'yon kay Neon at gusto niyang ipasabi sa akin 'yon. But Neon, refused, sinabi daw nito sa kaniya na may kalayaan pa rin akong magkagusto sa iba. Kung gusto daw niyang sabihin sa akin 'yon, dapat daw siya mismo ang magsabi sa akin.

Magpakita daw siya at sabihin sa akin ang bagay na 'yon. At kung ano ang totoo, kung anong totoong nararamdaman niya para sa akin na hindi niya nasabi sa akin noon, pero nauunahan daw siya ng takot at hiya.

Wow? Siya nga 'tong napaka-cold pagdating sa akin at sa ibang tao tapos biglang makakaramdam siya nang takot at hiya at sa akin pa talaga?

Dahil doon, nagplano muna siya bago muling bumalik dito. At makalipas ang ilang buwan, ipinadala niya 'yung bulaklak sa akin. Noong una hindi niya daw alam kung magiging maayos 'yung pagpapadala niya nang bulaklak sa akin, baka daw itapon ko o 'di kaya ay di ko tanggapin.

Nadamay pa niya si Neon at Hanz sa planong 'yon at mabuti na lang ay naging maayos ang pagbibigay nang bulaklak. Pero nagtataka siya kasi wala pa siyang natatanggap na balita galing kay Neon about sa bulaklak na nakuha ko mula sa kanila.

Pero ang hindi niya alam, inisip ko talaga na baka kay Mama 'yon o kay Essie. Kaso 'di ko na sinabi baka kung anong isipin ng isang 'to, at saka nalaman ko na rin sa umpisa kaya wala na rin akong nabanggit kay Neon about doon.

Kahit namanhindi niya direktang itanong, alam kong alam na ni Neon na may bulaklak na dumating sa akin.

At habang nagpaplano siya, sinabi niya sa mga magulang niya na may babae na daw siyang nagugustuhan. Kaso sinabi niyang hindi daw nito alam na gusto niya ang babaeng 'yon. Noong una, ayaw ng mga magulang niya sa isiping 'yon, pero dahil sa sinabi niya ay nagisip muna ang mga ito bago siya bigyan nang isang pagkakataon.

Kung papayag ang babaeng nagugustuhan niya, papayag ang mga ito na alisin ang arrange marriage na naka-atang sa mga balikat niya.

Isang buwan lang ang palugit na binigay sa kaniya at kung maubos ang isang buwan na wala nangyayari, babalik siyang muli doon at tatanggapin ang gusto ng mga magulang niya.

Jusko naman! 'Edi kung hindi pala ako pumayag na marinig at malaman ang side niya 'edi wala siyang choice kundi ang matuloy sa arrange marriage na ayaw naman niya.

Parehas kaming napabuntong-hininga dahil sa mahabang paliwanag niya. Ang dami naming pinagdaanan parehas, pero dito lang namin nalaman ang totoong side nang isa't-isa.

Hindi ako makapaniwalang ang lalaking ito, ako na naging personal assistant niya... eh may gusto sa kaniya, tapos may gusto rin siya sa akin. Okay heaven na talaga.

"Kung hindi pala ako pumunta ngayon dito... siguro iba na nasa tabi mo ngayon." mahina kong sabi habang nakatingin sa kamay kong hawak niya.

"Hmm... but I want to fight for your love. I really like you, Jelly. Simula sa una. Mawawalan nag saysay itong nararamdaman ko at pagsasabi mo sa akin nang nararamdaman mo kung hindi ako lalaban para sayo." seryoso naman nitong sambit sagot at sabay hawak nang mahigpit sa kamay ko.

Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang may kumikiliti sa tyan ko? Butterflies in my stomach ba 'to? Jusko! Inlove na talaga ako ganun? May lovelife na din ako ganun?

Maguusap pa sana kami kaso tinawagan na ako ni Essie, bumalik na daw kami ni Leo sa bahay dahil kakausapin pa daw ni Papa si Leo.

Dahil doon ay nakita kong napalunok siya at biglang napapapikit.

Up In The Sky | ✓Where stories live. Discover now