Kabanata Dalawampu't-siyam

17 2 0
                                    

•••

"Bakit bigla ka na lang nawala kagabi? Hinanap ka namin! Hinanap kita tapos malalaman na lang namin na madaling araw ka na umuwi?!" yan ang bungad sa akin ni Essie nang magkita kami.

Dalawang araw na ang nakakalipas nang mangyari 'yon. Nagpanggap akong walang nakita ng araw na 'yon, kasi wala naman talaga akong nakita. Wala naman talaga. Dalawang araw na rin magmula nang magpanggap akong masaya sa harap nila. Kahit na sobrang hirap... sobra.

"Sorry talaga, Essie. Naligaw ako that day dahil nag-ikot ako sa isla nang araw na 'yon." saad ko dito habang pinapaawa ang sarili ko.

Nakaka-awa nga ako eh. Kasi kahit na anong gawin kong pagpapanggap... sobrang sakit pa rin 'yung nakukuha ko.

Patay malisya kumbaga.

"Naligaw? Sige nga kung naligaw ka? Saan ka natulog at sinong naghatid sayo papunta sa hotel?" masungit na tanong niya.

Kailangan ko pa bang sagutin 'yon? Kasi matapos kong makita kung anong nakita ko doon, pinatuloy muna ako ni Mr. Jesse sa isang rented rooms sa isla na 'yon.

Ang may-ari ng isla na 'yon.

He saw how vulnerable I am that day. Hindi ko magawang huminto sa pag-iyak kasi tangina sobrang sakit. Pakiramdam ko mamamatay na ako ng araw na 'yon, pero hindi, nakatulog ako sa kakaiyak at pag-gising ko, madaling araw na.

Bakit hindi na lang 'di ba?

Hindi na ako nakabalik sa set, hindi na ako nakabalik sa kanila. Noong una inisip ko na maghihintay na lang sana akong tumilaok ang manok para makabalik ako sa hotel.

Pero nag-insist si Mr. Jesse na ihatid ako doon gamit ang yate niya. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil lutang ako ng araw na 'yon. Pagbalik ko sa hotel at pagbukas ko ng hotel room ay nandoon si Leo.

Gulat na gulat sa pagdating ko.

Hindi ko na maalala kung anong nangyari dahil hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko. Kapag bumabalik sa isip ko 'yon at kung gaano kaganda ang langit ng araw na 'yon parang pinipilipit ang puso ko.

Masakit.

"Hoy! Ano na?!"

"Argh! Teka lang naman!"

Parehas naming sigaw sa isa't-isa.

Hindi ko masabi kay Essie ayokong pati siya, ayokong malaman niya.

Huwag na 'wag mong aalisin ang mga mata mo kay Leo. Ito ba yung sinasabi ni Daryl sa akin? Bakit ngayon ko pa 'to naalala? Bakit?

Hindi na kami ulit nakapag-usap ni Essie dahil tinawag na siya ni Mr. Lee. Naiwan akong mag-isa sa lamesa, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko? Ano ba talagang ibig sabihin ng nararamdaman ko? Bakit ako umiyak ng araw na 'yon? Nakita ko lang naman silang dalawa hanggang doon lang.

Kaso bakit masakit? Bakit nasasaktan ako?

Napapikit na lang ako at inisip na sana maging maayos pa rin ang lahat. Ayos lang kahit masakit, tanggap ko naman. Tanggap ko naman na hanggang dito lang ako, hindi naman ako kasing palad ng iba para abutin ang langit na sobrang layo mula sa mga kamay ko.

'Yung langit na hanggang tingin lang sa akin, hindi ko kayang abutin ito pero... kaya kong titigan hanggang sa magsawa ako.

Ayon lang naman ang kaya kong gawin, ang titigan lang siya sa malayo, hanggang sa magsawa ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid sa dalampasigan kung nasaan ako nakaupo nang maramdaman ko ang biglang pag-vibrate ng cellphone ko, pagtingin ko doon ay si Mama ang tumatawag.

Up In The Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon