Kabanata Pito

37 3 0
                                    

•••

Hindi ako makapaniwala sa mga tanong na ibinato sa akin ni Ms. Shin kani-kanina lang.

Sabi niya interview pero parang kinuwento ko na yata ang buong buhay ko sa kaniya, and it seems that she didn't want to know other parts of my story kaya 'yung alam kong memorable lang sa akin 'yung mga sinabi ko.

But then again tulala ako ngayong nakaupo sa sofa ng ilang oras at lumabas naman si Ms. Shin dahil may tumawag sa kaniya. Kaya ako lang ang mag-isa sa kwartong siyang naging saksi sa kwentuhan naming dalawa kanina.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lunch na at hindi pa rin bumabalik si Ms. Shin, magkukwentuhan pa kami ni Essie tungkol sa nangyari kagabi ngunit parang hindi nakikiayon sa akin ang pagkakataon dahil hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang kasama ko.

Pwede na kaya akong umalis or puntahan ko na kaya si Essie? Kaso nasa 24th floor ako at alam kong nasa 2nd floor lang ang opisina ni Mr. Lee.

At baka maligaw pa ako. Napakalaki pa naman ang building na ito.

"Ma'am?" Napalingon ako sa boses na narinig ko sa pinto at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Essie.

"Essie?"

"Jelly?" Pumasok naman siya na may dala-dalang ilang plastic ng pagkain sa dalawa niyang kamay. "Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Ma'am Hana?"

"Ma'am Hannah?" Bigla naman niya akong tinitigan ng masama kaya medyo nagulat ako.

"Hana."

"Kaya nga Hannah?"

"H-A-N-A"

"Kaya nga---name lang naman ng pronunciation, okay na 'yon,"

"No, it's not." Inilagay niya ang mga dala niya sa isang upuang bakante malapit sa akin at muli niya akong tinignan.

"Kailangan mong malaman na ang spell ng name niya ay H-a-n-a at hindi H-a-n-n-a-h, dahil magagalit siya sayo." Napanganga na lang ako at napatango-tango.

Okay, may nalaman na agad ako.

Hindi ko alam na sa dalawang araw na pamamalagi ni Essie dito marami na siyang nalalaman, even people's names and their spelling of their names.

"Okay? Pero para saan ba yang dala mo?" Tanong ko rito.

"Pinadala ni Sir, para kay Ms. Hana."

"Sinong Sir?" Kumuha ako ng isang plastic pero hindi naman niya 'yon binigyan ng pansin.

"Sir L---"

"Oh? You're here Essie." Parehas kaming napatingin sa bagong pasok na babae sa loob at dumeretso siya kung nasaan ang mga pagkain.

Ibinalik ko naman ang plastic na hawak ko pero itinulak ni Ms. Shin 'yon sa akin.

"Ma'am---"

"You need to eat, eat that." Sa pangalawang pagkakataon napanganga na naman ako.

"P-po?" Tanong ko na bigla namang niyang tinanguhan at saka ako tumingin kay Essie.

"Kumain ka na ba Essie?" Tanong niya dito habang binibilang ang ilang plastic na nasa upuang nasa tabi namin.

"Hindi pa po, marami pong pinapatapos si Mr. Lee eh,"

Napailing na lang si Ms. Shin, pero as in talagang gusto niyang ibigay sa akin utong pagkain na binili ata ni Essie sa labas? I mean kakapunta at nakapag-usap na kami pero itong pagkain?

Nakakahiya naman. Sobra-sobra na ito eh? Tinanggap nila ako para sa trabaho na iyon tapos pati pagkain? Feeling ko ang kapal ng mukha ko sa part na iyon

Up In The Sky | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora