Kabanata Tatlumpu't-anim

29 1 0
                                    

•••

Dinala ako ni Neon sa isang restaurant. Restaurant na wala masyadong kumakain o baka yung restaurant na hindi pinupuntahan ng mga tao.

"Don't worry, I am the owner of this place." sambit niya matapos kaming bigyan ng isang waiter parehas ng kape.

Nahalata niya sigurong kanina ko pa pinagmamasdan ang paligid tapos wala man lang akong nakikitang tao sa buong restaurant. Kami lang kasing dalawa ang nandito o idagdag mo na rin ang ibang nasa loob ng kusina ng lugar na 'to.

Gusto ko sanang mawindang sa sinabi niya at magulat dahil ang lugar na ito ay pagmamay-ari niya. Pero hindi 'yon ang tamang oras para ma-amaze, nandito ako para kausapin namg masinsinan ang lalaking 'to.

"Bakit mo ako gustong makausap? Siguraduhin mo lang na may kwenta yang sasabihin mo." sabi ko dito habang seryoso pa ring nakatingin sa kaniya.

Bumuga siya ng hangin at saka may kinuha sa suot niyang bukas na coat. Para siyang pagod na pagod, hindi ko alam pero parang bigla akong na-guilty sa nakikita ko sa kaniya ngayon.

Napabaling ako sa ibang direksyon nang may ilapag siyang bagay sa lamesa. Bumalik ang tingin ko doon at ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang bagay na 'yon.

Katulad na katulad ng bagay na 'yon ang note na nakita ko sa bulaklak na ipinadala sa akin. Bakit may ganiyan siya? Ibig bang sabihin na... totoo talaga ang mga nalaman ko?

"Straight to the point. I need to give you this before I leave." deretsahang sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil nakatitig pa rin ako sa bagay na 'yon. What? Before he leave?

"Alam kong alam mo kung anong ibig sabihin nang bagay na yan hindi ba?" Napatingin naman ako bigla sa kaniya.

Nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi niya.

"You already read the note?"

"Note? So? May kinalaman ka sa pagpapadala nang bulaklak na 'yon? Hindi naman Valentine's Day para bigyan niyo ako nang bulaklak at lalong-lalo na hindi pa naman ako patay para padalhan niyo ako ng bulaklak hindi ba? So ano? All this time pinagtitripan niyo ba ako?" mahaba kong litanya sa kaniya.

Magkakasabwat sila.

Hindi ko na na-maintain ang galit at inis na nararamdaman ko. Napakuyom ako at hindi nakaligtas sa akin ang pagbuntong-hininga niya sa harap ko.

"No. All this time I watched over you."

"Watched over me? Pwede ba? Sabihin mo na agad kung anong gusto mong sabihin? Inuubos mo oras ko alam mo ba 'yon?" inis kong sabi dito na ikinatango niya.

"Okay. I ask you again, binasa mo ba 'yung note na nakita mo?" tanong niya na para bang wala na siyang dahilan para makipagdebate pa sa akin.

"Hindi. Walang kwenta 'yon kaya hindi ko 'yon babasahin. Actually, susunugin ko na nga sana 'yon---"

"So... ibig sabihin ba 'nun? Wala nang pagkakataon na bumawi si Leo sayo?" Sa sinabi niya ay doon na ako nagtaka.

Paanong napunta kay Leo itong pinaguusapan namin?

"Anong bumawi pinagsasabi mo? Wag mong ililipat kay Leo itong pinaguusapan natin."

"Exactly. Kung binasa mo ang note na nakita mo, maiintindihan mo kung anong sinasabi ko, lahat-lahat, dito sa harap mo. Pero dahil hindi pa simulan mo ng basahin 'yon."

"Neon, wala akong balak basahin ang bagay na 'yon. At pwede ba? Umamin ka na?"

"Hindi pa ba halata, Jelly? Wala na akong sasabihin dahil hindi lahat nang kasagutan na gusto mong malaman, sakin mo dapat malaman." sagot nito at sabay tayo sa kinauupuan niya.

Up In The Sky | ✓Where stories live. Discover now