Kabanata Tatlumpu't-lima

22 1 0
                                    

•••

Maaga akong nagising kinabukasan at iniisip pa rin ang mga nangyari kahapon.

Una ay aksidente kong nakitang muli si Leo pagtapos ng halos tatlong taon at doon pa talaga sa parke kung nasaan ako kagabi. Ano 'yon coincidence? Galing naman ni Tadhana oh? Pinapaalala pa talaga sa akin 'yung mga dapat kinakalimutan na.

Pangalawa ay ang mga sinabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. Isa 'yon sa pinagtataka ko... at pangatlo, magkasabwat sila ni Neon at pang-apat ay ang bulaklak na nakuha ko.

Coincidence pa rin ba lahat ng mga nangyayari o sadyang 'yon na talaga ang mangyayari? Kasi kung 'yon man, pipilitin kong kalabanin si Tadhana sa ginagawa niya sa buhay ko.

Ang unfair mo naman sa akin!

Tatlong taon ko siyang hindi nakita, ibinaon ko na sa limot ang lahat nang nararamdaman ko matapos kong umalis sa islang 'yon, pinilit ko siyang kinalimutan kahit na ang hirap sa una, tapos sa isang iglap? Bigla siyang magpapakita? Ay hindi... aksidente ko lang siyang nakita.

Pero kahit na! At lalong-lalo na si Neon! Hindi ko alam kung kailangan kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa bulaklak na akala ko kay Essie, eh paano kung malaman niyang alam ko ng nandito na ang lalaking 'yon?

Paano kapag nadulas ako? Eh hindi niya nga alam! So saan ako lulugar kahit gulong-gulo na ako?!

"Ate Jelly? Ayos ka lang ba?" Napakislot ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang tanong ni Odette sa akin.

Bigla akong napapikit at ipinatong ko nang maayos ang basong hawak ko dahil baka mabasag ko pa 'to at magbayad pa ako nang wala sa oras. Nasa trabaho ako ngayon, bakit kailangan kong isipin ang mga bagay na 'yon eh wala namang kwenta 'yon!

Lumingon ako kay Odette, nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya na ikinabuntong-hininga ko bigla.

Focus Jelly! Focus!

"Ate, kung hindi maayos ang pakiramdam---"

"Ayos lang ako, may iniisip lang." Ngumiti naman ako sa kaniya na tinanungahan niya bigla.

Hindi ako makapag-focus dahil sa mga nangyari kahapon. Para akong nauubusan nang lakas sa mga iniisip ko. Siguro ang kailangan kong kausapin muna ngayon ay si Essie. Alam kong naghihintay lang rin siya na ako ang unang magsabi nang kung anong nangyayari sa akin. Pero... baka maistorbo ko siya.

Eh sino bang kakausapin ko about dito?! Gulong-gulo na ako! Parang masisira na utak ko sa mga iniisip ko!

Ang OA naman Jelly? Masisira agad? Hindi ba pwedeng mababaliw ka lang muna?

Hayy...

"Ang lalim naman ng buntong-hininga natin," napatingin ako bigla sa harap at nakita ko ang nakangising-ngiti ni Hanz at kasama niya sa likod na si... Daryl.

Magfo-focus muna ako sa trabaho ko ngayon! Focus! Focus! Work! Work!

Bigla akong napamewang at tinaasan ko sila nang kilay ko na ipinagtaka nilang dalawa.

"Cutting?"

"What? Mukha ba kaming highschool student para sayo?" gulat na tanong ni Daryl.

"Hindi, mukha kayong katingero. Ang aga-aga pa nandito na agad kayo?" nakataas na kilay na sabi ko habang si Odette naman ay ginagawa ang usual orders nila.

"Katingero pa nga," dagdag ni Hanz tapos bigla sabay silang tumawang dalawa. Nakasimangot lang ako ng iabot ko sa kanila yung order nila.

"And goodmorning, Jelly and Odette." They said in unison.

Up In The Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon