Kabanata Labing-walo

14 3 0
                                    

•••

Humahangos akong bumalik sa kinapupwestuhan namin ng may mabangga ako. Ayan kasi! Masyado kang nagpa-panic Jelly! Jusko!

"Ay hala! Sorry po! Sorry!" paumanhin ko dito at agad na pinulot ang mga gamit na nahulog niya dahil sa nagawa ko. Another kahihiyan na naman ito!

Hindi naman ako sobrang nagmamadali 'di ba?

"It's okay, it's okay." sagot naman niya sa akin. Nang maibalik ko na sa kaniya ang mga gamit niya ay mabilis akong nagpaalam dito at agad na lumapit sa mga nagkukumpulang mga staff.

Susugod din sana ako para malaman kung ano iyon ng may pumigil sa akin. Si Dong, kasama niya sila Kurt, Neon, Ken at si Mr. Lee.

"Dong!"

"Dito ka na lang muna, wag ka na makisiksik pa dyan." seryoso niyang sambit sa akin.

Gusto kong makita si Leo, gusto ko ring humingi ng tawad sa ginawa kong pag-sagot sa kaniya kanina, at tsaka hindi ko naman sinasadya eh. Masyado lang talaga akong nainis sa kaniya. At hindi rin nakaligtas sa akin ang mga narinig ko mula kay Marienet sa comfort room kanina. Naiinis ako at the same time nag-aalala ako kay Leo, hindi ko alam na ganun pala kapangit ang ugali niya!

Hindi naman ako tanga 'no? Kagaya ng mga babaeng nasa mga teleserye na kahit ang pangit-pangit na ng ugaling pinapakita sa kanila, nagbubulag-bulagan pa sila! Ano wala ka bang commonsense?

Nanatili na lang muna ako sa tabi nilang lima hanggang sa kinuha na ng ibang staff ang mga gamit at naglakad papalabas ng airport kung nasaan kami.

Ano ba talagang nangyayari?

Susunod na sana ako ng makita ko na naman ang mukhang witch na akala mo tarsier na yumakap sa braso ni Leo. Tignan mo itong babaeng ito, nakakagigil talaga. Pero agad na nanlaki ang mga mata ko ng makitang iwinaksi ni Leo ang braso niya paalis sa pagkakahawak ni Marienet.

Nice! Ganiyan ang manok ko! Lumalaban!

Nakita kong lumukot ang mukha ni Marienet habang pinagmamasdan ang likod ni Leo na papalayo sa kaniya.

"Tara na, Jelly." napatango na lang ako nang ayain na ako ng mga kasama ko at sumunod sa kanilang lima.

Madadaanan namin ang pwesto ni Marienet, kaya ng magtagpo ang mata naming dalawa ay mabilis ko siyang nginitian. Sabi nga kasi nila, talunin mo sa ngiti ang kaaway mo.

She just raised her eyebrow na parang nagtataka sa inasal ko kasama pa ang manager niyang akala mo pinaglihi sa sama ng loob. Parehas silang nakataas ang kilay, pero todo ngiti lang ako sa kanilang dalawa.

"Don't look at them Jel, binibigyan mo lang sila ng maraming dahilan." biglang sabi ni Neon sa tabi ko. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa labas. Hindi na talaga natuloy ang flight namin.

"Kagaya nang alin?"

"Iinisin ka pa nila lalo hanggang sa matalo ka."

"Iinisin? Baka sila ang mainis sa akin," mayabang kong saad sa kaniya.

Sinasabi ba niyang magpapatalo ako sa inisan na yan? Hindi ba niya alam na Essie train me?

"Talaga ba?"

"Oo! Atsaka lalabanan ko sila 'no?"

"Pero bawal ang manakit, Jelly."

"I know, pero hindi pisikal. Lalabanan ko sila sa pang-iinis nila sa akin if gusto nila akong inisin." matapang kong tugon sa kaniya.

Parang kagaya lang ng power egirls kasama si Claire. Napatigil naman ako bigla ng makita kong nasa harap na namin ang itim na van.

Pagbukas nila ng pinto ay nasa driver seat na si Leo at saka naman pumasok ang tatlo. Akala ko ay kasama namin si Dong, doon ko lang naalala na staff nga pala siya.

Up In The Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon