Kabanata Anim

35 4 0
                                    

•••

Isa lang ang nasa isip ko pagtapos ikwento sa akin ni Essie ang nangyari sa unang araw niya... ang swerte-swerte niya kay Mr. Lee! Big time! Jackpot! Parang nanalo sa lotto!

At ang nangyari nang gabing nasa Lesinset Café kami ay ayun nagkwentuhan lang kami at isa na doon ang nangyari sa akin ng nakaraang gabi. Ikinuwento ko na rin sa kaniya ang nangyari at isa lang ang ibinigay niya saking advice, pumunta daw ako doon kung gusto kong malaman kung totoo nga ba talaga ang sinasabi ng dati naming kaibigan. At kapag hindi daw, ay tawagan ko lang siya at siya na mismo ang susugod sa kaibigan namin dahil sa pagbibigay ng hindi naman totoong impormasyon at trabaho na mukhang aasahan naming dalawa ni Mader.

Minsan 'yung kaibigan ko masyadong brutal eh, kababaeng tao parang hindi babae.

Ay hindi naman talaga siya babae.

Kidding aside.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon at kakauwi ko lang galing sa kwentuhan naming dalawa ni Essie. Nakatingin ako ngayon sa maliit na papel na may contact number ng kaibigan ko na siyang nagbigay nito nang nakaraang gabi.

Hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinabi ni Essie at ni Mader na puntahan ang trabahong ito at malaman kung totoo nga ba talaga... pero nag-aalangan pa rin ako.

Magsasayang lang ako ng effort kung pupuntahan ko ito tapos wala naman akong mapapala, ako lang ang mahihirapan. Pero wala namang magbabago kung hindi ako gagawa ng paraan hindi ba? Hindi ko malalaman ang totoo kung hindi ko ito pupuntahan kagaya ng advice nila sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako at agad akong napahiga sa kama ko habang nasa kamay ko pa rin ang papel na 'yon at ang cellphone ko. Hindi ko kasi talaga alam kung tatawagan ko ba talaga siya o pupuntahan ko na lang para mas makasigurado ako kung totoo nga ba ito.

Bakit ba ako nag-aalangan? Trabaho na ang lumalapit sa akin, ayoko pang kuhanin? Kasi naman, ang weird lang talaga eh, sa sobrang weird ang hirap paniwalaan.

Lumingon ako sa bintanang nakabukas at bumungad sa akin ang madilim na langit at ang mga bituin na kumikislap. Siguro nga, siguro nga subukan ko ulit hindi ba? Siguro nga ito na rin ang trabaho na para sa akin, ang hinihiling ko gabi-gabi na para saming dalawa ni Mader.

Iniangat ko ang papel na 'yon hanggang sa makita kong muli ang pangalang nakalagay doon at ang numero. Bahala na, basta para sa trabaho mag-e-effort ulit ako. Kahit na minsan nakakawala ng confidence lalo na kung ilang beses na rin akong na-reject.

Muli akong umupo at huminga ng malalim, susubukan ko ulit. Sabi nga kasi nila try and try until you die---este until you succeed.

Tinipa ko ang numerong nakalagay doon sa cellphone kong hawak-hawak ko at habang tina-type ko ang numero na iyon ay samo't-saring senaryo ang pumapasok na sa isip ko, kung anong mangyayari, pati mga rejections na nakuha ko sa iba't-ibang mga trabaho na sinubukan kong applayan. Napalunok ako ng matapos kong ma-i-type iyon, isang click na lang sa call button ay matatawagan ko na ito, wala akong ibang magawa kundi ang titigan lang ito, naghihintay kung tama ba ang gagawin ko, kasabay ang malakas na pagtibok ng puso ko sa kaba at pagkasabik.

Napapikit ako at napabuga ng hangin, okay, ito na, gagawin ko na. Pagpindot ko sa call button ay itinapat ko agad iyon sa tenga ko.

Kasabay ang biglang pag-ring nito ay kasabay ang pag-asa ko na sana makuha ko na it Nakakatatlong ring na ngunit wala pa ring sumasagot. Edi, ibig sabihin nito? Hindi pala ito totoo?

Pinatay ko na ang tawag at muli ko itong tinawagan at ganun pa rin, wala pa ring sumasagot at patuloy lang sa pag-ring. Ilang beses kong sinubukan pero hindi ko na nakayanan ang inis dahil parang pakiramdam ko ay nagsasayang nga lang talaga ako ng tawag, load, effort, oras at pag-iisip na baka nga hindi talaga ito para sa akin, baka nga wala talagang para sa akin.

Up In The Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon